Chapter 101

125 3 16
                                    

Adrixeinna Marie Victoria, a lady who looks like an angel at first. That long black hair highlighted on grayish color, she's a brown eyed lady that a man can stare everyday, she has a attractive lips but a kissable one and a perfect sexy body that every man could dream of.

In other hand, Czheandrei Jeya Pagkaliwagan, a man who's been a demon to the woman he loves. That soft black hair highlighted on blond color, his gray eyes are expressive, he has a appealing lips and he has a well built body but a seductive one that every girls would fanstasize him.

An extraordinary young man and a  gorgeous young lady meets.

Their own physical, mental, psychosocial and spiritual values in their growth and development as they become adults can be enough to know what's the real status of their relationship?

Can this perfectly imperfect love story make us feel to be in love with someone again or make us feel not to believe anymore in the ideals of love?

6:41 AM

Panibagong school year, isa na akong ganap na college student. Nag-take ako ng course na BS Tourism dahil nais kong maging isang Flight Attendant balang araw.

Isa ako sa mga maswe-swerteng estyudyante na nakapasok sa kanilang dream university. Napaka-palad ko na ako ay nakapasa sa University of the Philippines Diliman o mas kilala sa acronym na UPD.

Nakatingin lamang ako sa aking bintana upang masilayan ang sikat ng araw. Kinusot-kusot ko ang aking mata upang maging malinaw ang aking paningin. Bumangon na ako ng kama at nagpunta ako ng bathroom upang maligo at mag-ayos ng aking sarili. 

Ngayong araw ay isinet ko na ang agenda ko para sa lahat ng activities na aking gagawin. 

Pagbili ng mga school supplies.

Pagfi-fitting ng mga bagong damit para ngayong school year.

Magti-tingin na rin kami ng dormitory dahil magiging stay-in ako sa aking university upang hindi na kami mahirapan magpabalik-balik sa bahay at university.

Napalingon ako sa may pinto nang may pumasok sa aking kwarto, si Mommy.

"Anak, ang bilis ng panahon. Masayang-masaya ako para sayo dahil malapit mo nang maabot ang pangarap mong maging Flight Attendant. Ilang taon na lang ang hihintayin natin, gra-graduate ka na. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa ka nang ganap na college student, sa paningin ko ay ikaw pa rin ang nag-iisang prinsesa ng palasyong ito." nakangiting salubong sa akin ni Mommy.

"Totoo nga ang sinasabi ng tao sa buhay na minsan ay kailangan din natin tumayo sa sarili naming paa at harapin ang reyalidad sa paglipas ng panahon. Hindi ko inaasahan na isa ako sa maswe-swerteng estyudyante na makakapasok sa dream university nila. Hanggang ngayon, parang panaginip lang na ako ay isa nang ganap na college student. Para sa akin, ako pa rin ang kaisa-isang unica hija sa ating pamilya." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Anak huwag mong kalilimutan na kahit anong mangyari, mahal na mahal namin kayo ng Daddy niyo kahit saan man kayo mapunta o sino man ang mga kasama niyo." nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

"Isa na akong ganap na college student ngunit hindi mababago ang katotohanang anak niyo ako at pamilya tayo. Walang sinuman ang maaring makakuha ng identity na mayroon tayo hangga't nabubuhay tayo rito sa mundo." nakangiting sagot ko naman kay Mommy.

"Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Diyos na binigay kayong tatlong biyaya sa amin ng Daddy mo. Lagi kong sasabihin na kayo ang buhay namin. Ngayon, haharap na ulit kayo sa panibagong paglalakbay ng buhay tungo sa magandang kinabukasan sa hinaharap. Napaka-swerte ko na isa kami sa mga magulang na nakasaksi at makakasaksi ng tagumpay niyong ito." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now