Chapter 107

11 2 12
                                    

12:45 PM

"Anong score? Bakit may test ba ang relationship status namin ni Cherry para magkaroon?" inosenteng tanong ni Kuya Adrixennus sa akin.

"Jusko Kuya! Hindi yung score sa test! Yung about sa label yun, ganiyan ba talaga kapag unang girlfriend?" naii-stress kong sagot kay Kuya Adrixennus.

"Friends lang naman talaga kami, tatanong-tanong ka tapos hindi ka maniniwala." natatawang sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Eh ayaw mo kasing sabihin ang totoo!" nagtatampo kong sagot kay Adrixennus.

"Ano bang totoo? Wala naman kasing aaminin dahil wala talaga." kalmadong sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Ano ba yan Kuya?! Akala ko pa naman magkaka-girlfriend ka na, umaasa na naman kaming lahat sa lovelife mo." natatawang biro ko kay Kuya Adrixennus.

"Paano ba naman kasing magkaka-girlfriend yang Kuya mo? Hindi naman naghahanap kahit kailan." gatong pa ni Mommy.

"Ayan, diyan kayo magagaling! Ang pagtulungan ako sa pangaasar sa status ng lovelife ko. Hindi ba pwedeng single lang talaga ako by choice at hindi ko pa priority ang mga ganiyang bagay?" naii-stress na sabi ni Kuya Adrixennus sa aming dalawa ni Mommy.

"Sus, ayaw talaga o may hinihintay?" natatawang biro ko pa lalo kay Kuya Adrixennus.

Mabilis na lumipas ang oras at hindi namin namalayan na malapit nang humapon dahil sa walang sawang pagku-kuwentuhan at pagaasaran sa lamesa namin sa dining area.

2:01 PM

"Alas dos na pala, hindi ko namalayan ang oras. Gusto niyo ba munang mag-meryenda bago kayo umalis ng bahay?" malumanay na tanong ni Mommy sa aming dalawa ni Kuya Adrixennus.

"Dadaan pa kasi akong flower shop Mi, next time na lang siguro ako. Pass muna." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Susunduin ko pa si Cherry Mi, pass muna rin ako sa meryenda ngayon." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennus kay Mommy.

"O siya sige, magpapahinga muna ako sa kwarto sa taas. Ingat kayo sa mga lakad niyo. Kapag may kailangan kayo, kumatok lang kayo sa pinto o mag-text kayo ha? Akyat na ako." umakyat na si Mommy sa hagdan upang magpahinga.

"Sinong bibigyan mo ng flowers mamaya?" napalingon ako kay Kuya Adrixennus at sinagot ang tanong niya.

"Si Czheandrei, may theatre play sila mamaya for UP event. Madalas, nakikita ko na nagbibigay sila ng flowers sa mga actor and actresses after ng play." malumanay na sagot ko kay Kuya Adrixennus.

"Mag-Ingat ka ha, hindi kita masasamahan mamaya." nakangiting paalala sa akin ni Kuya Adrixennus.

Tumango lang ako sakaniya at umakyat na ako ng hagdan upang mag-prepare ngayon.

Kumuha ako ng towel at bathrobe pagkatapos ay nagtungo na ako papuntang bathroom. Naligo muna ako at nagtooth-brush. Naglagay na rin ako ng skin-care at lumabas na ako.

Kinuha ko na ang maroon shirt ko at maong skirt upang isuot ngayong hapon. Kinuha ko rin ang denim jacket ko ngunit hindi ko agad siya ipinatong sa aking suot upang hindi agad ako pawisan. Isinuot ko na rin ang white sneakers ko upang makapag-ayos na ako ng aking sarili at makaalis na ako sa bahay.

3:23 PM

Naglagay lang ako ng kaunting make up at naglagay na ako ng perfume pagkatapos ay kinuha ko na ang maliit na bag na lalagyanan ng mga gamit ko mamaya. Lumabas na ako ng aking kwarto at nagpunta ako sa kwarto nina Mommy upang magpaalam sa kaniya.

"Mommy, aalis na po ako. Magpapa-flower arrangement pa ako sa flower shop." nakangiting paalam ko kay Mommy at humalik sa kaniyang pisngi.

"Ingat ka ha? Si Czheandrei na ang bahala sayo pauwi." nakangiting paalam sa akin ni Mommy at humalik rin sa aking pisngi.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now