6:26 AM
Mabilis na natapos ang mga araw. Tila ba'y lahat ng tao ay abala sa kaniya-kaniyang buhay. Nakatingin ako sa bintana mula sa room namin habang nagkaklase ang professor ko. Hawak-hawak ko ang kanang kamay ang ballpen para mag-take notes.
"Ms. Victoria!" malakas na tawag ng professor ko sa apelido ko.
"Sir?" sagot ko sa kaniya.
"Are you passing by sa class ko? I know, you are at the top. But please, listen to my teachings! Kung hindi, minus points ka. Running ka pa naman for President's List." kalmadong tanong niya sa akin.
Nagsi-tinginan ang mga kaklase ko at bumaling ang atensyon sa akin.
Yumuko lang ako at nag-sorry sa professor ko pagkatapos ay umupo upang magpatuloy sa klase.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit bigla na lang akong bumalik kung saan nag-usap kami ni Czheandrei sa huling pagkakataon.
Flashback
Naglalakad ako habang papuntang coffee shop at may nakita akong babaeng kasama niya. May hawak itong dalawang box ng donuts at dalawang milktea.
Kita ko sa mga mata ni Czheandrei ang masaya nitong mukha habang nakikipag-usap sa babae.
Lalapitan ko na sana sila pero parang naistatwa ang aking katawan sa kinaroroonan ko.
Czheandrei, are we more than just friends or less than a lover?
Niyakap pa niya ang babae at ramdam ko ang higpit sa mga yakap niya.
Mas lalo akong nakaramdam ng sakit at lungkot sa puso ko.
Parang unti-unting bumabagsak ang mga luha ko habang pinapanood ang senaryong iyon.
Was there a something between us, Czheandrei?
Nagtago lang ako sa may gilid upang hindi niya ako makita hanggang sa makaalis ang babae.
Pumara naman kaagad ako ng taxi at dali-dali akong sumakay.
Bigla namang tumawag sa akin si Czheandrei at nag-alangan pa akong sagutin iyon.
Czheandrei Jeya Pagkaliwagan is calling . . . . . .
Answer Decline
Kaagad ko namang sinagot ito kahit nagbabagsakan na ang mga luha ko.
Adrixeinna: Hello, anong kailangan mo?
Czheandrei: Magkita tayo ngayon, sa coffee shop kung saan tayo nagpalipas ng madaling araw. May importante akong sasabihin sayo.
Adrixeinna: Got it. Mag-prepare lang ako.
Czheandrei: Sige, see you later.
The call ended.
Nagpahatid ako sa taxi sa may dorm namin at mabilis akong nag-ayos ng sarili ko. Wala si Ysabel rito dahil may importanteng lakad daw siya ngayon.
Noong makatapos ako sa lahat ng preparation ay nagcommute lamang ako para makarating doon sa coffee shop na gusto niyang tagpuan namin.
Halos magkasabay lang kaming dumating ni Czheandrei sa cafe at pumasok na kami sa loob para maghanap ng table.
Umupo na kami at umorder ng cake saka drinks.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...