3:14 AM
Pumasok na ako sa loob at namataan si Mommy na naghihintay sa akin mula sa pinto ng bahay namin.
"Magpahinga ka na anak, it's been a long day." nakangiting salubong sa akin ni Mommy.
"Salamat Mi, bawi ako soon!" nakangiting sagot ko kay Mommy.
Umakyat na ako ng hagdan upang pumasok sa kwarto upang maghanda na ako sa aking pagtulog.
Nag-shower lang ako saglit at kumuha na ako sa closet ng sleep wear na susuutin ko. Naglagay din pala ako ng skin care pagkatapos ay isinaksak ko ang charger para sa phone ko. Nagdasal na ako at kaagad naman akong dinalaw ng antok.
10:45 AM
Nagising ako sa malakas na yugyog at tawag ni Mommy sa akin upang magising na ako sa pagkakatulog.
"Anak, gising na! Kailangan mo nang bumangon, pupunta tayo sa palengke. Nakalimutan mo ba?" panggigising sa akin ni Mommy.
Hindi ako gumalaw at tila'y nanghihina na naman ang sistema ng katawan ko. Sinalat-salat naman ni Mommy ang iba't ibang parte ng katawan ko.
"Ang init mo, anak. Probably next time ka na lang sumama sa akin sa palengke. Magpagaling ka muna." nagaalalang sabi sa akin ni Mommy.
"Wala ito Mommy, ayos lamang po ako." bumangon ako kahit masama ang pakiramdam ko ngunit bigla na lamang akong naubo.
"Hindi na, magpahinga ka muna. Nanghihina iyang katawan mo oh! Gusto mo ba dalhan na lang kita dito ng breakfast bago ako magpuntang palengke?" nagaalalang sabi sa akin ni Mommy.
"Sige po, babalik rin muna ako sa pagtulog." nanghihinang sagot ko kay Mommy.
Tumango-tango si Mommy at lumabas muna ng aking kwarto upang ipaghanda ako ng breakfast. Tumingin muna ako sa aking bintana na kitang-kita ang view kahit nakahiga lamang ako sa kama ngunit biglang may nag-text sa akin.
C Z H E A N D R E I <3
Text Message
11:48 AM
Magpe-perform ako ng 4PM, sana makapunta ka. Gusto ulit kitang makita.
What?!
Can I make it today?
Bumalik ulit ako sa pagtulog dahil nanghihina pa rin ang sistema ng aking katawan. Kinakailangan kong magpahinga kung gusto ko siyang makita mamaya.
Tiningnan ko ang oras at napasapo ang aking kamay sa aking noo noong masilayan ko ito.
12:25 PM
Can I still make it today?!
Ang traffic ngayon, sigurado akong marami rin ang magpupunta sa event.
Mukhang mahaba-haba ang biyahe ko ngayong araw.
Pinilit ko ang aking sarili upang makabangon sa kama ngunit bigla namang dumating si Mommy na may dalang pagkain para sa akin.
"Uy anak, saan ka pupunta?" nagaalalang tanong sa akin ni Mommy.
"Narealize ko lang Mi na may kailangan akong gawin ngayong araw." malumanay kong sagot kay Mommy.
"Mayroon ka pang lagnat anak, ii-skip mo na lang muna ang mga gawain mo ngayon at magpahinga ka." pinahiga ulit ako ni Mommy at nilapag ang breakfast na hinanda niya para sa akin kasama ang gamot na iinumin ko.
"Importante ba yang lakad mo ngayon? Sabihin mo na lang ang number sa akin para matawagan ko at makagawa ako ng new appointment mo. " dagdag pa niya.
"Pero..." pagsabat ko pa kay Mommy.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...