Chapter 111

6 2 2
                                    

6:45 AM

Nagising ako sa mahimbing kong pagkakatulong noong gabi. Sinalat-salat ko ang leeg pati ang noo ko kung may nilalagnat pa ako o hindi na.

Napangiti ako noong mapagtanto kong wala na akong lagnat at kaagad kong inayos ang kama ko pagkatapos ay mabilis akong nagpunta sa bathroom upang ipre-prepare ang sarili ko sa agahan. 

Kumuha na ako ng mga damit at sapin sa paa na gagamitin ko mamaya para sa lakad namin ni Czheandrei mamaya.

Paakyat na sana si Mommy ng kwarto ko pero nagkasalubong na kami habang pababa na ako ng hagdan upang kumain ng agahan.

"Good morning anak! How was your sleep?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy at sumabay na rin sa akin sa pagbaba ng hagdan.

"Good morning Mommy! Ayos lang naman, nagkaroon naman po ako ng sapat na tulog."  nakangiting sagot ko kay Mommy habang bumababa kami ng hagdan.

Naamoy ko ang masasarap na pagkain ngayong umagahan at bigla naman akong natakam sa lahat ng mga nakahain sa lamesa.

Nagdasal muna kami at si Kuya Adrixennon ang nanguna para sa panalangin namin ngayong umaga.

"Good morning princess! Wala ka na bang lagnat?" nakangiting tanong sa akin ni Daddy habang nasandok ako ng mga pagkain sa lamesa.

"Good thing Daddy, wala na akong lagnat!" masigla kong sagot kay Daddy habang nasandok ako ng mga pagkain sa lamesa.

"Mabuti naman, may lakad ka ba ngayon? Mukhang ang aga mo nag-prepare ah!" kalmadong sabi sa akin ni Daddy habang nasandok ako ng mga pagkain sa lamesa.

"Speaking of lakad Daddy, magpapaalam po pala ako ngayon. Aalis ako ngayong araw. I-update ko na lang po kayo from time to time para hindi kayo magalala sa akin." malumanay kong sagot kay Daddy.

"Sino bang mga kasama mo anak? Anong oras kayo uuwi at saan kayo pupunta?" sunod-sunod na tanong ni Daddy sa akin.

"Ano mga Daddy? Isa lang ang kasama niyan, for sure!" natatawang biro ni Kuya Adrixennus kay Daddy.

"Sus, dalaga na talaga ang kapatid natin. Makikipagdate siguro yan ngayon, payagan mo na Daddy!" panggagatong pa ni Kuya Adrixennon sa biro ni Kuya Adrixennus kay Daddy.

"Tumigil nga kayong dalawa!" sinamaan ko ng tingin ang dalawa kong kapatid dahil ayaw nilang magpaawat sa mga salita nila.

"So sino nga ba ang kasama mo, anak?" kalmadong tanong sa akin ni Daddy.

"Si CJ po." malumanay kong sagot kay Daddy.

"Oh diba Daddy, tama ako? Makikipagdate nga talaga si Adrixeinna!" natatawang biro ni Adrixennon kay Daddy.

"Hindi yun date Kuya! Ikaw talaga, gawa-gawa ka ng kuwento." pikon kong sagot kay Kuya Adrixennon.

"Oh bakit ka defensive, totoo no?" natatawang biro naman sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Eh kasi naman nagkakalat kayo ng fake news!" pikon kong sagot kay Kuya Adrixennus.

"Tama na yan, magkakapikunan pa kayo eh! Kumain na nga lang muna tayo ng agahan." awat naman sa aming tatlo ni Mommy.

"Saan ang lakad niyo ngayon at anong oras kayo uuwi?" kalmadong tanong sa akin ni Daddy.

"Wala pa po akong idea Daddy, surprise daw po ang location namin. Wala pa ring details kung anong oras kami uuwi, tatanungin ko na lang po siya mamaya." malumanay kong sagot kay Daddy.

"Tawagan mo na ngayon, may number ka naman niya diba? Gusto ko siyang makausap." kalmadong utos sa akin ni Daddy.

"Susunduin niya rin ako dito mamaya Daddy, magkikita rin kayo. Bakit need pa tawagan?" malumanay kong sagot kay Daddy.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now