Chapter 130 (4/4)

4 1 1
                                    

9:30 PM

"Galing akong League of Legends, gusto ko talaga maging professional player doon kaso malayo pa talaga kung sa skills kaso nasira PC ko noon sa bahay. Wala pa akong perang pangpagawa tapos may phone akong sakto lang na pwedeng maglaro. Nakikita ko yung mga kateam ko sa League of Legends ay naglalaro ng Mobile Legends, so dinownload ko. Nag-enjoy ako, doon na iyong part na nakilala ko si Vee. Mga 17 or 18 ata ako noon. Jungler na din ako noon sa LOL, iyon na position ko talaga. 5 years rin akong naglalaro noon, matagal-tagal na rin. Mabilis lang akong nakapagparank up noon into Mythical Glory since may prior knowledge na rin ako noon sa paglalaro dahil parang dikit lang yung LOL sa ML. Nagkaroon kami ng mini tournament, nakalaban namin yung EVOS. Yun yung pinaka-una na sumali ako sa competitive gaming. 1st qualifier kami noon sa MPL PH Season 4, swinerte kami noon eh. Doon kami nakapasok talaga. Naging maganda yung play-offs ng Season 4 namin kasi dinala kami ng Onic PH sa Indonesia para makapagpractice tapos kinuha na kami noon ng Onic PH noong sure na yung slot namin para sa MPL. Dalawang team rin kasi ang kumo-contact sa amin that time, Onic PH tsaka Geek Fam. After that, may nakuha na daw na dalawang player. So, naisip namin na pumasok na lang sa Onic PH since noong last MSC, sila yung nag-champion. Dati, wala talaga kaming sahod noon eh. Kumukuha lang kami pambudget sa mga tournament. Noong time na iyon, grabe mayroon na kaming sahod. Kinuha na kaagad namin yung offer ng Onic PH. Medyo disaster kami kasi yung sa management, wala nga kaming Wifi noon eh sa bootcamp. Data lang kami noon buong regular season." kuwento ni Danerie kay Czheandrei.

"Bago kasi mag-playoffs noon, mayroong mga 2-3 weeks na practice period. Yung 2 weeks doon, may one week kaming stay sa Indonesia tapos nakascrim namin yung Onic Indonesia. Pumalag naman kami that time pero nakaka-hype talaga yung scrim doon kasi nasa iisang place lang kayo eh tapos parang nagsisigawan lang talaga. Kinakabahan ako noon, dati kasi noong MPL Season 4 time namin is hindi pa uso yung Indonesia-PH scrim. Iba talaga gameplay noon eh. Nakaadjust naman kami. Wala pa kaming coach noon eh. Player at coach namin si Vee. Second kami noong natapos yung season na iyon. Yung nag 2-0 na kami tapos naging 2-3. Nareverse sweep kami noon eh. Siguro para sa akin, maliit na bagay lang na naging malaki yung resulta sa laro. Doon talaga nagsisimula yun sa maliliit na bagay tapos bigla na lang hindi mo akalain na iyong maliit na bagay na pala yun yung ikinatalo namin. Feeling ko, naexperience na rin kami ng Sunsparks noon eh. Nadala na rin kami sa experience. Noong panahon na iyon, rookie talaga kami. Ang usapan lang namin noon nina Greed na kaming lima na basta makapasok lang ulit tayong lima sa Season 5. Hindi rin namin inexpect na unstoppable kami noong play-offs. Ang saya maglaro talaga kasi open-crowd noon eh. Kinakawayan ko pa yng mga supporters at patuloy silang hina-hype up. Noong Game 3 namin, midset ko pa noon na may buhay pa kami eh. Pwede pa kaming magthrow o magbigay ng isang laro. Noong Game 4, kinakabahan na ako noon kasi 2-2 na eh. Balik kami best of 1. Noong Game 5, close fight kami noon ng Sunsparks eh. Malungkot talaga ako that time. Noong Season 4, masaya kami doon. Hindi kami malungkot na 1st runner up lang kami. Tinake pa rin yun as an achievement eh tapos nag M1 pa kami noon. Natalo ulit kami. Naging defense mechanism na lang namin na acievement pa rin yung nangyari sa amin kasi maraming gustong magpro-scene for sure pero kami yung nabigyan ng opportunity na makapaglaro that time. Ngayon, yun rin yung nakuha naming experience. Hindi kami makakarating dito na ganito kami kung hindi dahil sa mga past lessons namin both in game and outside the game." sunod pang kuwento ni Danerie.

"Noong Season 5, second place ulit kami. Nanibago din kasi ako dahil yung iba yung tank namin noon kasi may napalitan sa aming isa. So, medyo yung mga mali ko noong Season 4. Binago ko noong Season 5, sa attitude in-game and outside the game. Medyo inadjust ko, natututo na din ako eh. So, yung Season 5 namin. Lahat naman ng team eh, goal yung makapagchampion. So, yun pa rin naman ang goal namin and parang nasa prime pa rin namin yung Season 5. Malakas pa kaming lahat eh, swerte namin na nakapaggrand finals ulit kami. Against with Sunsparks, hindi pa rin talaga naging enough yung natutuhan namin. Sa tingin ko, management rin talaga noon eh. Noong dating namin sa Blacklist, sinasabi sa amin ni Boss Tryke noong pagpasok namin na nag-all in na talaga. Yun yung kulang siguro sa Onic noon. Yung resources. Katulad noong pagsupport sa amin as a team. Last season namin sa Onic which is Season 6, yun yung pinaka-worst sa akin at pinaka-nakakatuwa kasi sa buong page-Ml namin ni Vee. Puro kami grand finals eh and yun lang yung season na bumagsak kami kasi dahil na rin kasi sa doubts. Na tipong parang pagkakatiwalaan pa ba namin ito? May pag-asa pa ba kaming manalo? Ganito-ganiyan palagi ang eksena namin noon. Doon na maiisip kung nasa sayo ba yung problema o yung nasa team ko ba. Realizing that, naiisip ko noon na ang bobo ko talaga eh. Parang sa sarili ko, ayoko na. Ayoko na mag-ML. Siguro yung journey ko talaga sa pagiging professional player, kami yung hindi talaga tinadhanang mag-champion. Parang sabi ko, nabobobohan na talaga ako sa sarili ko noon." sunod pang kuwento ni Danerie.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now