6:37 AM
Mabilis na dumaan ang mga araw at parang kailan lang ang mga naganap. Ngayong araw na kami lilipat sa dormitory ni Kuya Adrixennus.
Pinagmasdan kong mabuti ang bawat sulok ng aking kwarto at napangiti ako nang maalala ang lahat ng magagandang pangyayari ng buhay na dito naganap.
"Oh anak, bakit hindi ka pa nagpre-prepare? Paalis na kayo mamaya ng Kuya mo ah!" nakangiting bungad sa akin ni Mommy.
"Sinusulit ko lang talaga ang oras na nandito ako Mi, mga ilang taon din akong mawawala dito." nakangiting sagot ko kay Mommy.
"Uuwi pa rin naman kayo dito diba, anak? Iintayin ko palagi ang pagbabalik niyo. Ipagluluto ko kayo ng mga paborito niyong pagkain, magku-kuwentuhan tayo hanggang sa wala na tayong masabi sa kawalan at gagawin natin yung mga bagay na hindi natin naranasan noon. Gagawin natin yun sa pagbabalik niyo hmmm?" nakangiting sabi sa akin ni Mommy.
Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong naluha noong narinig ko ang mga salitang iyon mula kay Mommy.
Masayang-masaya ako dahil sa tagal ng paghihintay ko, makakapasok na ako sa dream university ko pero bakit ganito ang aking pakiramdam?
Hindi ko maintindihan.
Lumakas ang agos ng aking luha noong niyakap ako ni Mommy at tila'y ayaw ko nang kumawala pa sa mga bisig niya.
Hindi siya nagtanong.
Wala siyang reaksyon.
Niyakap niya lang ako nang mahigpit na mahigpit.
"Anak, huwag mo kaming aalahanin ng mga Daddy mo ha? Ayos lang kami, masasanay din kami. Tuloy lang anak, makakayanan natin ito nang magkakasama." nakangiting sabi sa akin ni Mommy habang yakap-yakap niya ako sa kaniyang mga bisig.
"Mi, hindi ko alam kung hanggang saan ko ba kakayanin para sa better version ng sarili ko na malayo ang mga taong mahal ko at ang mga taong inspirasyon ko sa kung sino at ano ako ngayon. Kung paggising ko, wala nang ikaw na gigising sa akin sa umaga at sasalubong sa akin kapag nakauwi na ako ng gabi. Wala na si Kuya Adrixennon na kasama namin sa lahat-lahat. Wala na si Daddy na palaging nangangamusta kung ayos lang ba yung tulog ko? Ano yung mga lakad ko para sa araw na iyon? Sinong mga kasama ko? Anong oras ako uuwi? Hindi ko alam kung kaya ko pa bang humakbang palayo para sa pangarap ko, Mi." yumakap lang ako ng mahigpit kay Mommy habang binibitiwan ang mga salitang iyon sa kaniya nang hindi tumitinhin sa mga mata niya.
"Naniniwala ako sayo, anak. Marami na tayong pinagdaanan, ngayon pa ba tayo magpapatalo sa susuko sa labanan? Alam mo? Kahit naman may distansya sa pagitan natin, hinding-hindi naman kami mawawala sa puso mo. Palagi mo kaming maalala anak, kung ano ang pagmamahal na ipinaparamdam sayo na araw-araw mong pipiliin na lumaban sa buhay. Hindi magiging madali ang proseso sa pagkamit ng tagumpay anak, walang short-cut. Lahat pagdadaanan mo, gusto mo man ito o hindi. Nandito lang kami sa tabi mo, walang magbabago." nakangiting sabi sa akin ni Mommy habang yakap-yakap niya pa rin ako sa mga bisig niya.
Our life from womb to tomb is full of choices of the path we follow in order to make it a success or distress. It's not our job to judge a path another person decides to take just because it's different than ours. Everybody has their own path, so just walk on your own, no need to look at another. Walk on your path with integrity and wish all others peace on their journey. When your path merge rejoice for their presence in your life. When the paths are separated, return to the wholeness of yourself, give thanks for the footprints left on your soul and embrace the time to journey on your own. We don't meet people by accident. They are meant to cross your path for a reason.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...