Chapter 136

13 1 20
                                    

12:49 AM

Muli akong pumasok sa loob at nakita ko ang mga kaibigan namin na nagkakatuwaan rito. May nagku-kuwentuhan, umiinom ng alak, nagtatawanan at sumasayaw na animo'y parang nasa bar lang kami.

"Oh, nakabalik ka na pala!" nakangiting sabi sa akin ni Nicole sabay akbay sa aking mga balikat.

"Oo, kakatapos ko lang magpaalam sa boyfriend ko." nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Friends to lovers troupe era na talaga!" pangaasar pa sa akin ni Chezka.

"Parang kailan lang yung dalawang taon, we graduated SHS together. We go to College that we still have each other." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Parang akala mo hindi nag-stop sa panliligaw si CJ, no?" natatawang pangaasar sa akin ni Ysabel.

"Did it really happen? Akala ko nagjo-joke lang si Ysabel nung kwinento niya sa amin." gulat na tanong ni Vee.

Tumingin naman ako kay Ysabel at nag-peace sign lang ito sa akin.

"Ah, oo. Nag-stop siya noon siguro mga 2 weeks. Nagii-start pa lang siya mag-work noon. Nagiging unstable na yung financial status niya kaya kailangan niya na rin kumayod dahil nahospital rin si Tita at siya lang nagbabantay sa nakakabatang kapatid niya." malumanay kong sagot kay Vee.

"Kapag inaaya namin siya noon nina Kiel na tumugtog, lagi siyang pass. Hindi na rin pala kaya ng schedule niya dahil marami rin pala siyang pasanin." dagdag pa ni Danerie.

"Hindi kasi iyon magsasabi ng mali sakaniya hangga't walang nakakapansin. Lagi niyang sinasarili, lahat. Tahimik lang yun palagi kapag may pinagdadaanan siya." kalmadong sabi ni Matthew.

"Tanda mo noong wala siyang pambayad ng tuition kasi wala pa yung parents niya at hindi pa siya nagbabayad. Exam week pa naman nung mga panahon na yun, kung hindi ko pa sinabing ako muna ang magbabayad ng tuition niya at bayaran niya na lang sakin kapag nabigay na ng parents niya yung pambayad. Hindi talaga siya makakapag-exam that time." sabay tingin ni Angelux kay Matthew.

"To be honest, siya ang pinaka-matalino noon sa batch namin. Noong makagraduate kami ng JHS, siya ang valedictorian. Ni isang sentimo na galing sa magulang niya, wala siyang sinayang. Dapat magpa-public school na siya noong SHS pero ininsist ni Tita na makapag-aral pa rin siya sa Luna. Isa pa, he's very independent. Lahat ng allowance niya ay galing sa school. Hindi lang matalino, magaling pa sa sports at mahusay rin sa musika." nakangiting kuwento naman ni Maxielle.

"Isa pa, siguro kung nagtuloy-tuloy siya noon sa paggra-grind sa ML at hindi tumigil sa pagtu-tournament? Professional player na rin siya ngayon." dagdag pa ni Kiel.

"Ah, oo. Naalala ko noon na nakuwento ni Coach Bon si CJ before. Marami rin kasi siyang credentials pagdating sa laro. Nag-stop lang siya kasi hindi na talaga kaya ng schedule niya at halos wala na siya lagi noong pahinga lalo na kapag kasama namin siya noon sa mga tournaments. As far as I know, may mga teams na kumukuha sa kaniya noon pero dinecline niya yung mga offer sa kaniya." kuwento naman ni Edward.

"Siguro kung sabay-sabay kami nina CJ, teammate na rin namin siya ngayon. Ire-recomend ko pa siya kay Coach, he has potential naman talaga sa professional scene/league." nakangiting sabi ni DJ sa aming lahat.

"Hearing those stories makes me feel so proud of him. Noong nagkwentuhan kami ng mother niya, mas lalo kong napatunayan na nasa tamang tao ako. Na tama yung lalaking minahal ko. Na tama yung lalaking sinuportahan ko. He deserves the world, indeed." nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.

"Uy meet the parents na sila! Mag-chika ka naman ma, anong ganap?" mausisang tanong ni Vee sa akin.

"At first, grabe yung kaba ko. Mala tipong naririnig ko na yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung paano ako aakto o magsasalita but Czheandrei held my hand. Unti-unti ay parang nawala lahat ng pangamba noong ngumiti siya sa akin. Inassure niya ako kaagad bago kami pumasok sa loob. Noong una, tulog ang mother niya noong dumating kami. Pinagbuksan kami ng pinto noong nakakabata niyang kapatid. Noong magising ang mother niya, kaagad itong tumingin sa akin. Pinakilala ako ni Czheandrei sa mother niya at kung anong relasyon ang mayroon kaming dalawa. Naging magaan lahat noong nagsimulang magkuwento ang mother niya. Winelcome niya kaagad ako sa pamilya nila, sobrang nakakataba ng puso. Hindi ko maipaliwanag yung saya ko. Hanggang ngayon, hindi ako makatulog sa thought na iyon. Madalas kasi sa ganitong edad, laging tutol ang magulang kahit hindi na minor ang anak nila. For once, natakot akong hindi matanggap. Natakot ako sa maraming posibilidad na maaring mangyari ng araw na iyon. Ang dami kong tanong sa isip ko, paano kung hindi ako magustuhan ng babaeng nagluwal sa taong pinakamamahal ko? Paano kung sa tingin niya ay hindi ako karapat-dapat para sa anak niya? Paano kung tutol siya sa relasyon namin? Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko ng mga oras na iyon." mahaba kong kuwento sa kanila.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now