4:35 PM
"Grabe yung ngiti ah! Anong mga ganap today?" sinalubong ako ni Mommy ng maiinit niyang yakap.
"Natapos ko naman po ang mga agenda ko Mi, nagkaroon lang rin kami ng small gathering ng squad kanina." niyakap ko naman siya agad pabalik.
"Daya! Hindi na ako inaaya, edi sana sumunod ako kanina." nagtatampong sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.
"May meeting daw kayo sa org kaya hindi ka makakasama. Huwag ka nga diyan Kuya!" pambibiro ko pa kay Kuya Adrixennus.
"Inaaya ka naman pala dre, wala ka lang talagang time pumunta." natatawang sabi ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus.
"Marami lang talagang ginagawa sa org kaya naging busy ako. Hindi lang talaga ako inaya ng mga iyan!" masama ang tingin ni Kuya Adrixennus na tila'y nagtatampo pa rin sa akin ngunit tinawanan ko lang siya nang malakas.
"Mukhang marami kang iku-kuwento sa amin, Xei." nakangiti ngunit makahulugan ang mga tingin sa akin ni Daddy.
"O siya, nag-meryenda ka na ba?" panunukoy sa akin ni Mommy.
"Light lang naman ang kinain ko today Mi, may niluto ka ba diyan?" malumanay kong tanong kay Mommy.
"Nagluto lang ako ng spaghetti tsaka fried chicken, ayun raw ang cravings ng tatlo." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.
"Ay akala ko kung sinong may birthday na children's party ang theme HAHAHAHAHA!"natatawang biro ko sakanilang lahat.
Nagsi-tawanan lang kaming lahat at inaya na kami ni Mommy na pumasok sa loob upang sabay-sabay na kaming makapag-meryenda ngayong hapon.
Naglalakad ako nang tumunog ang phone na senyales na may notification sa aking social media. Ini-on ko ang phone ko para tingnan kung ano iyon.
Mga mensahe mula kay Czheandrei.
Czheandrei Jeya Pagkaliwagan
• Active Now
Czheandrei Jeya Pagkaliwagan sent a photo.
Czheandrei: Look madam, nakauwi na ko. Nag-meryenda ka na ba?
Czheandrei Jeya Pagkaliwagan sent a photo.
Czheandrei: I was having my meryenda here, sana ikaw rin! <3
Adrixeinna: Yep, don't worry about me. Nagluto si Mommy ng spaghetti at fried chicken for meryenda.
Czheandrei: Ay akala ko may birthday sainyo ngayon, tinatanong ko pa ang sarili ko kung ano bang okasyon? HAHAHAHA
Adrixeinna: Akala ko rin tapos children's party themed HAHAHAHA
Czheandrei: Late ko na lang na narealized na walang may birthday ngayon sainyo o anong okasyon HAHAHAHA
Adrixeinna: Magpahinga ka na after mo mag-meryenda okay? Prioritize your health.
Czheandrei: What if ikaw ang pahinga ko? Overthink ka na HAHAHAHA
Adrixeinna: Red flag ka! Pinagooverthink mo ko :(
Czheandrei: Hindi ako magsasawang iremind sayo na ikaw lang, ikaw palagi at ikaw habang-buhay.
Adrixeinna: Heh! Nakakainis ka!
Czheandrei: Luh, nagtatampo agad yarn? Like na, ha-hug na ikaw.
Adrixeinna: Noooo!
Czheandrei: Whyyyy? Tampo ka pa rin ba?
Adrixeinna: Bad ka eh!
Czheandrei: Anong ginawa ko? tell meeeee!
Adrixeinna: Overthink na ko :(
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...