1:22 PM
"Oh, magkakasama pala kayo papunta rito?" gulat na bungad sa amin ni Ate Cherry.
"Yep Ate Cherry, kami lang naman sa squad ang nag-enroll dito sa UP. Iba-iba na rin kami ng universities ngayon. More likely, puro DLSU." nakangiting sagot ko kay Ate Cherry.
"Sama-sama ba naman halos lahat doon, anim yata sila na nag-enroll sa DLSU. Sadya ka namang ANIM-O Lasalle!" natatawang sabi sa akin ni Ysabel.
"Tapos tig-tatlo sa UST and ADMU no?" mausisang tanong ni Kuya Adrixennus kay Ysabel.
"Oo Kuya, grabe naman talaga. Mataas talaga ang diversity level ng squad natin sa BIG FOUR universities ngayon." nakangiting sagot ni Ysabel kay Kuya Adrixennus.
Diversity means having a range of people with various racial, ethnic, socioeconomic and cultural backgrounds and various lifestyles, experience and interests. A variety of individuals and points of view represented in the department. Diversity is a group of people who are different in the same place.
Diversity widens viewpoints and takes different ideas and perspectives into something. It can create richer solutions, obtain better results and maximize productivity, innovation and creativity.
"Hoping talaga na maging successful degree holder lahat ng bumubuo ng squad natin. All people deserves it. The education we always wanted, the professionals who we want to be. The youth who believes that they change the world." nakangiting singit ni Ate Cherry sa usapan nina Kuya Adrixennus at Ysabel.
"Lahat naman tayo may vision and mission sa mundo. Iba-iba ang tao. May mga taong kaya nilang makagawa ng pagbabago sa industry na pinasok nila. Kagaya natin, we choose to pursue College. May mga tao na pinili ang employment, mas nakikita nila ang sarili nila magtrabaho at makatulong sa pamilya nila after Senior High. May mga tao naman na pinili na pumasok sa entrepreneurship, gusto naman nilang mag-explore sa business. Magkaroon ng mga investments, markets and connections as an entrepreneur. May mga tao namang pinili yung pagtre-train sa mga non-formal education like TESDA, nago-offer sila ng mga courses na hindi gaanong katagal ang igugugol mo para magkaroon ng experiences para makuha ka sa mga trabaho na inclined doon sa inapplyan mong course sa kanila." nakangiting sagot ko kay Ate Cherry.
"Sa panahon natin, minsan maiisip mo? Sino ba talaga ang mayroong advantage? Yung nakapagtapos ng pagaaral o yung mga taong hindi nagtapos ng pagaaral pero mayroon silang iba't ibang industry na pinasukan. Katulad noong mga nabanggit kanina diba? May employment, entrepreneurship and skill-related education. Pataas na ng pataas ang standards and way of living ng mga tao pero most of the time, ang daming mga OFW dahil sa Pilipinas. Napakaraming jobless dahil sa kaniya-kaniyang demand ng mga bansa." kalmadong sabi sa amin ni Czheandrei.
"That's a sad reality tho, akala natin lahat ng opportunities is equal talaga para sa lahat. Well in-fact, kapag nakakuha na tayo ng degree. Back to zero na lahat. Nakikita niyo lahat yang mga estyudyante na naririto, mostly sa mga yan ay nakakapag-aral lang dahil sa mga scholarships nila. Sa pagba-budget ng allowance nila para makaraos sa bawat sem. So paano na yung mga ganiyang estyudyante? Sabihin na nating nakatapos na sila, professionals na sila. Kapag ikaw ay fresh graduate, palagi ang unang nakakapasok kapag mayroon kang connection doon sa company na aaplyan mo. Hindi naman lahat ng tao ay may ganoong kalaking pribilehiyo pagkatapos nilang maka-graduate. That's why kung tutuusin, akala lang natin pantay-pantay tayo dito sa school pero kapag paglabas natin dito. Hindi naman pala talaga. May mauuna at mauuna pala talaga." malumanay na sagot ko kay Czheandrei.
"At kung may makukuha naman talaga diyan na hindi based sa connection or privilege, mahuhusay na talaga ang mga iyon sa industry na produkto ng mga galing sa mga institute kung saan nakakapag-specialize ang isang student or professional sa industry na papasukin nila. Hindi naman natin maeensure lahat ng mga naririto sa orientation ngayon, dalubhasa na kaagad sa field nila after ng College. Paano naman yung mga average lang? Ano na lang ang mangyayari sa kanila? Yung mga panganay na inaasahan na makatapos agad ng pagaaral at magkaroon ng maayos na trabaho. Yung mga bunso na kailangan makatapos agad dahil yung ibang mga kapatid ay magaasawa na o bubuo na ng pamilya. Yung mga middle child na palaging fifty-fifty kung makakapagtapos ba o hindi dahil sa gaps nila sa mga nakakatanda at nakakabata nilang kapatid na mas madalas ay nauuna sa prayoridad ng mga magulang. Kapag solong anak ka naman, responsibilidad mo na makapagtapos ka ng pagaaral dahil wala ka ng aasahan bukod sa sarili mo dahil kapag nawala na ang mga magulang mo. Mag-isa ka na lang dahil wala ka namang mga kapatid. Iba't ibang struggle pero lahat magdadaan diyan. Matanda man o bata. Sabihin na nga natin na lahat ng bagay ay magkakaroon rin ng progress pero hanggang kailan pa ba? Hanggang saan pa ba? Paano? Maraming mga tanong ang papasok sa isipan mo na sinayang ko lang ba yung apat hanggang sampong taon ng buhay ko sa pagaaral? na dapat ba nag-trabaho lang ako? na dapat ba nagtayo na lang ako ng business ko? at marami pang iba na walang kasagutan sa ngayon." kalmadong sagot ni Kuya Adrixennus sa akin.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...