Chapter 118

6 1 5
                                    

10:15 PM

Nasa harapan na kami ng hapag-kainan at nakita ko ang samu't-saring pagkain na nakahain rito.

Bigla naman akong natakam sa mga lutong bahay ni Mommy.

"Oh anak, ayaw mo ba ng mga niluto ko para ngayong dinner?" malumanay na tanong ni Mommy sa akin.

"Namiss ko lang siguro ang mga pagkain na hinahain mo tuwing dinner, Mi. Ilang araw na rin akong nasa labas at hindi ako nakakasabay sa inyo nina Daddy para kumain ng hapunan." malumanay kong sagot kay Mommy.

"Kailangan nga pala kayo maglilipat ng mga gamit niyo sa dorm? Ilang araw na lang ay magsisimula na ulit ang bagong school year." kalmadong tanong ni Daddy sa aming dalawa ni Kuya Adrixennus.

"Pinapaalis niyo na ba kami dito Daddy, ayaw niyo na ba kaming kasama?" pabirong tanong ni Kuya Adrixennus kay Daddy.

"Iniisip ko lang, ang bilis niyong lumaki mga anak. Si Adrixeinna, magii-start na ng journey niya as a College student at matutupad na rin niya ang pangarap niyang maging licensed flight attendant. Si Adrixennus, ilang taon na lang ay graduate na ng College tapos magiging licensed engineer siya pagdating ng araw. Si Adrixennon, mga ilang taon ay babalik sa pagaaral at magtatapos tsaka niya patatakbuhin ang kumpanya kapag bumaba na ako sa pwesto. Wala lang, mami-miss ko kayong nandito palagi at sama-sama tayong kumakain." nakangiting sabi ni Daddy sa aming tatlo ng mga kapatid ko.

"Bakit hindi na ba kami uuwi Daddy? Anak niyo pa rin naman kaming lahat kahit ano man ang mangyari sa journey namin as a student and as a professional. We will always choose this house to be our home. I'd still love to be your child." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennus kay Daddy.

"Sa buhay, kailangan talaga natin mag-daan sa pagbabago. Gusto man natin o hindi. Alam niyo kung bakit? Hindi tayo magro-grow at magiging better versions ng sarili natin kung pilit nating kinakahon yung mga bagay na madi-discover natin along the way. Araw-araw ay pwedeng may mabago sa atin. Nakakabuti man ito o nakakasama sa atin. It's either blessings or lessons. Walang permanente sa mundo. We must accept change for us to see the world differently." nakangiting sabi ko sa kanilang lahat.

"Kung palagi kasi tayong nakatingin sa mga nakasanayan na natin, paano makakapagmove-forward sa mga bagay na paparating sa buhay natin? Walang masamang mag-step out on your comfort zone. It doesn't make you feel less. Alam niyo ba? Kapag mahal mo raw ang isang tao, mas hahangadin mo yung growth and development nila as an individual kahit hindi sila handa sa pagbabagong mangyayari in time." nakangiting sagot sa akin ni Kuya Adrixennon.

"Kapag mahal na mahal mo talaga ang isang tao, mas pipiliin mong mahalin muna niya ang sarili niya. Hayaan siyang mag-grow at madevelop sa tamang panahon. Kahit gaano katagal ang prosesong aabutin. Basta, makita mo lang yung better version na kung sino at ano siya ngayon." nakangiting sagot naman ni Kuya Adrixennus kay Kuya Adrixennon.

"Isa yan sa mga natutuhan ko simula noong mawala si Alyana sa tabi ko. Look what destiny brought us? She will be my way to found out my true identity. Gusto ko kapag nagka-girlfriend ako ulit, maging better version muna ako ng self ko para mentally and emotionally prepared ako kapag pumasok na ako sa isang relasyon. Mabuti pa nga yung physically in pain. Nagagamot ng surgeries, bandages and medicines pero when it comes to your emotional traumas mo in your whole life? Hindi siya madaling maghilom, I swear! I experienced it in a while but you guys saved me. You saved this boy from loneliness and heartaches." nakangiting sagot ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus.

"Everyone deserves people who got their back no matter what. Heals from all the trauma. Being capable to love and to be loved by someone. We all deserve genuine love, happiness and positivity even though we are imperfect who can make mistakes and we are just humans after all." nakangiting sagot ko kay Kuya Adrixennus.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now