Chapter 130 (1/4)

8 1 1
                                    

6:22 PM

Napalingon kaming lahat nang magsalita ulit si Vee tungkol sa journey niya along with Danerie bilang isang professional player.

Bumalik ulit sila sa panahon na nagsisimula pa lang sila, that was like 6 years ago.

Season 4, iyon ang naging pintong nagbukas para sa legendary duo upang makapasok sa battlefield.

"Sa totoo lang, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ang mga naganap. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko iyon sisimulan. Hindi ko alam if gusto ko ba muna n magpasalamat, humingi ng patawad or what. Isa lang ang natatanging alam ko sa oras na iyon, gusto kong mai-share sa inyong lahat ang mga pinagdaanan ko before, during and after ng MPL-PH Season 4 at ang pagiging parte ko ng ONIC PH." panimula ni Vee.

Nakangiti ang lahat at nakatingin sa kaniya upang makinig sa susunod niyang mga sasabihin.

"Noong una, gaya ng mga naikuwennto ko sa isa sa mga interviews ko sa MLBB PH. Hindi ko talaga inaasahan na aabot ako sa ganitong point ng paglalaro ko ng ML. Hindi ako sigurado talaga kung may taong makakatanggap sa kagaya ko, na gusto ako makasama o na gusto ako kahit makalaro man lang. That time, sobrang thankful ko kasi nakahanap ako ng isang team na tumanggap hindi lang sa kung sino ako kundi pati na rin sa pagkatao ko. During our early times, tamang ranked games lang kami, laro hanggang magdamagan. Hanggang sa may mga naunang amateur teams na ang kumukuha sa akin noong nalaman nila na naglalaro na ako ng ML and since alam naman nila ang background ko pagdating sa online gaming. Sumali din kami sa mga mini tournaments sa iba't ibang lugar tapos tamang kuha lang ng experience. Kahit pa halos kakalaro ko lang ng ML, ang mamshie niyong laban na laban pa rin. Naalala ko pa, hindi talaga ako nagsusupport noon, madalas kong pick si Lunox or Hayabusa." kuwento ni Vee sa aming lahat.

"Hindi nagtagal, nakilala namin ang Dream High E-sports. Nakitaan daw kami ng potential sa paglalaro ng Mobile Legends. Although, hindi ko pa naman din kabisado masyado talaga ang META during those times. Marami din silang ibang nakuha na mga members noon tapos nahirapan din akong sumabay sa mga laruan nila dahil yung iba talaga ay mga batak na silang maglaro. Dumating pa ako sa point na nagkaroon ng halos three teams representing the Dream High. The Dream High E-sports, Dream High Gaming and Dream High Main. Doon ko nakilala pa at nakasama sila Z1co, Iy4knu at Greed. Si Wise and DLar kasi nakakalaro ko na noon sa LOL, so kilala ko na din agad sila personally. Sumali kami sa iba't ibang tournaments na available para sa mga amateur teams na kagaya namin. Talagang sabak sa biyahe, nagpapaka-warrior pa kami noon dahil nilalabanan namin ang gutom at antok. Ganoon kami katindi. Maraming beses naman kaming nanalo at napakasarap sa feeling noon, sobra. Kagaya ng mga tunay na kampyon, may mga pagkakataon talaga na natatalo kami. Ang masaklap pa, first game. Nice game! Like legit, na-ekis talaga agad sa balota ang mamshie niyo!" sunod niyang kuwento.

"Napagisip-isip na ng team namin na bakit hindi namin i-try sumali sa MPL-PH S4? Wala naman mawawala kung susubukan, kahit makapasok lang ba sa qualifiers. Tipong malaking experience ang maacquire namin. So ayun, dali-dali kaming nagpa-register tapos naloka na lang talaga kami sa dami din ng mga gustong sumali. Napakadami naming nakalaban at yung mga mistakes namin before sa mga past tournaments namin, iyon yung ini-apply namin that time. Dumating na nga ang nakakalokang balita, bet daw kami i-absorb ng Onic Esports! Grabe hindi talaga kami makapaniwala na aabot sa ganoong point ang eksena namin and knowing na ang Onic ang nag-champion sa last na MSC. Super thankful talaga kami noon and we strove harder para maging mas malakas pa kami. During the qualifiers, nakalaban namin ang SGD Alpha (aka Geek Fam PH) at doon namin naranasan ang unang pagkalumok. Grabe, it was really a hard way taking up against Geek Fam PH. But wait, hindi kami tumigil doon at bumawi kami sa lower bracket and we showed them, we can make it hanggang sa dulo ng qualifiers and guess what? We made it!" sunod-sunod pa nitong kuwento.

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now