11:11 PM
Kaagad kong binuksan ang notification na iyon at napangiti ako nang makita kung sino ang taong nasa likod ng mensahe na pinadala sa akin ngayong gabi.
The one and only, Czheandrei Jeya Pagkaliwagan.
C Z H E A N D R E I <3
Text Message
11:11 PM
You are always my 11:11 in a world full of 12:51, my lover.
11:11 PM
My CJP, I am your blessing but God knows that you're my answered prayer. 11:11 <3
11:12 PM
Sheesh, panindigan mo yung kilig ko ha? Manonood ka ba ng theatre play namin bukas sa welcome event for UP students this academic school year as freshmens.
11:13 PM
Sure, manonood ako. Magpapaalam lang ako sa parents ko, maari rin ba manood ang mga outsiders sa theatre play?
11:14 PM
Yup, open siya for UP student and outsiders ng campus. It's a free admission theatre play.
11:15 PM
Okay, got it! It's already late, sleep na tayo hmm?
11:16 PM
Goodnight, dream of me okay? Sleep well, my girl. <3
11:16 PM
Goodnight! Sweet dreams and sleep well, my CJP. <3
Ini-off ko na ang phone ko pagkatapos ay kinuha ko ang charger ko at isinaksak ko ito sa saksakan upang mag-charge ng phone.
Nagdasal na ako at ipinikit ko ang mga mata upang makatulog na ako dahil magpre-prepare pa ako para sa mga kaganapan bukas.
8:30 AM
8 hours sleep?!
Wow, na-complete ang tulog ko!
A miracle indeed, thank you so much Lord!
Naririnig ko na ang malalakas na katok ni Mommy sa pinto ko at kaagad ko naman iyong binuksan.
"Anong oras na, bakit hindi ka nabangon anak? Balita ko, may welcome event raw ngayon sa UP ah? Hindi ka magpre-prepare?" sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin.
"Ha? Paano niyo nalaman Mi? Hindi ko pa nasasabi sainyo yan kagabi ah?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.
"Ipinagpaalam ka sa amin ni CJ kagabi para sa UP event na iyon. Ihahatid ka rin niya pauwi since baka gabi na matapos ang mga ganap sa campus. Inassure naman niya kami ng Daddy mo na ibabalik ka niya sa amin ng buong-buo kaya pumayag na kami." malumanay na paliwanag ni Mommy sa akin.
"Sasama raw ba sina Kuya sa akin mamaya?" malumanay kong tanong kay Mommy.
"Busy sa work ang Kuya Adrixennon mo at may date naman yata ang Kuya Adrixennus mo mamaya. Ask them na lang later, bumaba ka na. Nakahanda na ang breakfast." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.
"Date? Kailan pa nagkaroon ng ganiyan si Kuya, Mi? Mukhang marami siyang ikwe-kwento sa akin ngayon ah!" nakangiting sabi ko kay Mommy.
Tinawanan lang ako ni Mommy at bumaba na sa hagdan. Nag-ayos lang ako ng sarili ko at bumaba na ako ng hagdan para kumain ng breakfast. Natagpuan ko silang apat na nagkwe-kwentuhan sa dining area.
"Good morning!" bati ko sakanilang lahat at kaagad namang nabaling ang atensyon nila sa akin.
"Good morning princess! How was your sleep? Mukhang sapat ang tulog mo ah." nakangiting sabi ni Daddy sa akin.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomansaThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...