Chapter 126

17 1 18
                                    

8:47 PM

Pumasok na ako sa loob ng dorm upang salubungin si Ysabel at naabutan ko ito sa may lamesa habang nagtitipa ng keyboard sa kaniyang laptop.

"Nakauwi ka na pala?" napalingon siya sa akin at ibinaling niya ang kaniyang atensyon sa akin.

"Ah, oo. Hindi na ako nakasabay sayo kanina kasi abala kami ni CJ sa paglilibot ng mga department. Kanino ka nga pala sumabay?" mausisa kong tanong sa kaniya at inilapag ko ang aking bag sa may sala.

"Mag-isa lang akong nag-commute pauwi ng dorm. Nakasabay ko pa ang bwisit na yun." bumakas ang pagkairita sa mukha ni Ysabel  nang sagutin niya ang tanong ko.

"Ha? Sinong bwisit ba ang tinutukoy mo Ysabel?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Edi sino pa ba? Si Matthew. Yung nakasabay natin sa grocery at sumingit sa pila tapos yung isa sa mga teammate ng Kuya mo at isa rin sa mga kaibigan ni CJ. Duh!" maarte niyang pagde-describe sa lalaki.

"Aba, he's getting into your nerves talaga since Day 1! Malay mo, kayo talaga!" panunukso ko sa kaniya.

"At ang bad news pa noon, feeling ko UP student din siya. Mostly kasi maaring magkaroon ng mga collaboration projects ang Engineering at Architecture department." naiistress nitong balita sa akin.

"Ayaw mo ba noon? You will get to know him more, Ysabel. Wala namang masamang mag-try na kilalanin yung tao kesa yung habang buhay mo na lang siyang iiwasan no? Walang makakapagsabi kung anong mangyayari sa future, baka hindi lang bahay ang mabuo niyo. Relationship niyo rin sa isa't isa." nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Well, I really want to give a shot to see something in him. Believe me, gusto ko naman talagang magkaroon kami ng connection since inclined ang mga programs namin ngayong College. Hindi malabong magtagpo ang mga landas namin. Ayaw ko rin namang iwasan siya pero paano kung sa tuwing hahakbang siya palapit ay kusa na akong tumatakbo na ako palayo sakaniya? Naguguluhan ako, Adrixeinna." bakas sakaniya ang kaguluhan ng kaniyang isip at hindi ito mapakali.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan, Ysabel. Bakit nga ba palagi kang tumatakbo palayo kay Matthew sa tuwing hahakbang siya papalapit sayo?" tumingin lamang ako sa mga mata niya at hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.

"Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam ang sagot sa tanong na yan. Kakaiba talaga nararamdaman ko sa tuwing nagtatagpo ang landas namin. Naiinis ako sakaniya pero kumakalma din ako sa presensya niya. Iniiwasan ko siya pero gusto ko rin namang makita siya. Mukha siyang wala lang sa akin kapag nasa harap ko pero grabe ang epekto niya. Ewan ko ba, wala akong masabi." nakikita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya. 

Napangiti ako nang bitiwan niya ang mga salitang iyon sa harap ko. Napaka-tapang niya upang maamin sa akin ng ganito ang kaniyang totoong nararamdaman.

"Ano bang nginingiti-ngiti mo diyan? Problemado na nga ako sa sitwasyon ko tapos ganiyan ka pa sakin!" nag-pout siya na tila'y nagtatampo at kung makapagreklamo ay parang nagta-trantrums na bata. 

"Alam mo isa lang talaga ang naiisip kong dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan Ysabel? Mukhang mahirap paniwalaan pero possible mangyari iyon." malumanay kong sabi sakaniya.

"Eh ano? Sabihin mo na sakin, ayoko nang ganitong pakiramdam Adrixeinna. Hindi ko na kaya, lagi na lamang ganito." ramdam ko ang pagkasabik niya upang malaman ang totoo mula sa akin.

"Gusto mo siya, Ysabel. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo na unti-unti ka na pa lang nahuhulog para sa lalaking iyon, yun ang katotohanan kung bakit ka nagkakaganiyan ngayon sa kaniya." napahinto siya at parang hindi niya ma-proseso kaagad ang mga sinabi ko. 

I'M INTO YOU SEASON 2Where stories live. Discover now