11:06 PM
Hawak-kawak ni Czheandrei ang mga kamay ko habang nagiintay kami ng taxi sa daan.
"Ang bilis magdaan ng mga araw at ang paglipas ng oras ay sadyang nakakapanibago. Gusto ko pa kitang makita hanggang sa muling pagsikat ng araw at makasama ka nang matagal hanggang sa muling paglubog ng araw." nakangiting sabi sa akin ni Czheandrei habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.
"Ikaw lang ang tanging kasiguraduhan sa milyon-milyong duda." nakangiting sagot ko kay Czheandrei habang hawak-kawak niya ang mga kamay ko.
"Malapit na pala mag 11:11 PM, mag-wish tayo." nakangiting sabi niya sa akin.
"Paano kapag natupad na?" nakangiting tanong ko sakaniya.
"Ano bang wish mo?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Ang dumating ka." nakangiting sagot ko sakaniya.
"Alam mo? Umuwi na tayo, ihahatid na kita." nakikita ko sa mga mata niya ang saya na hindi niya maikubli sa kaniyang mukha.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at sabay kaming naglakad habang sinasariwa ko ang lahat ng mga naganap noon.
Flashback
Sa kalagitnaan ng presentation namin ay biglang nag-chat sa akin si Gladys.
Ini-off ko ang camera ko para tingnan ang message sa akin ni Gladys.
Gladys Sabeeyah Mendoza
• Active NowGladys sent a video.
Meeting him was the greatest plot twist of my life.
Sa isang sandali ay napangiti ako ng isang lalaking nasa video. Those black hair with blond highlights! His gray eyes and appealing lips! Damn, he is really attractive!
Gladys Sabeeyah Mendoza
• Active Now
Gladys: Czheandrei Jeya Pagkaliwagan. ABM Student.
Adrixeinna: Ikaw talaga, pass ako. I'm not interested. Studies first.
Gladys: Weh? Hindi ka man lang naattract sakaniya?
Adrixeinna: Fine, he's attractive. How did you know him?
Gladys: Hindi ka pala interesado Pres ah!
Adrixeinna: I was curious about him, anong gusto mong palabasin Vice President?
Gladys: Ito na nga ang kwento, naalala ko siya dahil kay Darwean. He's a gay. Classmate ko. Ang chika niya ay may gwapo daw na taga-ABM and nagsend siya ng video sa amin habang may klase kami that time. Madalas na sabi ng mga kaklase ko ay sikat daw siya. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na Tiktoker at sikat siya. Ini-add ni Darwean kasi naging magka-groupmates sila sa Oral Communication kaya inaccept yung friend-request niya. Yung class President namin ay friend niya din sa Facebook. May mga kaklase akong nagsasabing gwapo siya at nakausap na nila si Czheandrei pagkatapos ay doon nga nila nadiscover na Tiktoker siya. Yung mga babae kong kaklase ay halos naka-follow sakaniya. Kapag may klase kami, agaw pansin talaga siya. Focus lang sakaniya ang mga babaeng nagfa-fangirl sakaniya. Ang greatest fangirl talaga ng klase namin ay si Darwean. Nadala na yata ang mga kaklase ko sa charms niya.
Adrixeinna: Paano nangyaring kaklase mo siya? HUMSS student ka and ABM student siya diba?
Gladys: May similar teacher kami sa Oral Communication, 1 week na wala ang teacher namin kaya pinagsama kami sa iisang classroom. CJ Pagkaliwagan ang name niya sa Facebook, baka gusto mong i-add. Baka lang naman.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...