2:53 AM
Noong makatapos kaming makapaglinis ng dorm ay nagpaalaman na kami sa isa't isa. Inayos ko ang aking bag para mamaya dahil mayroon raw kaming isang klase sa prof namin ngayong umaga.
Buhay College nga naman, papasok para lang sa isang klase!
"Inaayos mo bag mo, may klase kayo mamaya?" tanong sa akin ni Ysabel habang nakasilip sa may pinto ng aking kuwarto.
"Ah oo, magkla-klase raw yung isa naming prof mamaya. Aayusin ko lang rin yung damit na susuutin ko mamaya para diretsong prepare na lang ako." sagot ko sa kaniya habang naghahanap ng damit sa closet.
"Mga anong oras ba klase mo, hindi ka ba muna matutulog? Malapit lang naman dito ang UPD. Sakay-sakay lang." tanong niya sa akin.
"8 AM pa naman yung class namin sa prof ko, patapos naman na ako rito. Gising lang ako siguro mga 6 para maayos yung preparation time." sagot ko sa kaniya.
"Gisingin mo na lang ako kapag aalis ka na, wala kasi kaming sched ngayong araw kaya hindi kita masasabayan papuntang university ngayon." paalala niya sa akin.
"Sige, ingat ka rito sa dorm mamaya. Mag-isa ka pa man din. Kung aalis ka man, i-lock mo yung pinto at alisin mo yung mga naka-saksak para iwas tayo sa digrasya." paalala ko naman sa kaniya.
"O siya sige na, matutulog na ako! Good mornight! Sleep well and sweet dreams." pagkatapos ay yumakap muna siya sa akin bago magpunta sa kaniyang kuwarto.
"Good mornight, sleep well and sweet dreams." yakap ko rin naman sa kaniya pabalik.
Noong makapili na ako ng susuutin ko para mamaya ay naghanda na rin ako para sa pagtulog ko. Nag-set na rin ako ng alarm just in case na hindi kaagad ako magising.
5:42 AM
Mabilis akong bumangon noong narinig ko ang tunog ng alarm ko. Inayos ko lamang ang mga unan at kama ko. Matapos noon ay lumabas na ako sa aking kuwarto pagkatapos ay nag-handa ako ng agahan para sa aming dalawa ni Ysabel. Nag-timpla na rin ako ng iced coffee para naman magising-gising ang diwa ko mula sa pagkakahimbing ng tulog.
Ginising ko na si Ysabel at mabilis naman itong bumangon noong nakita niya ako.
"Aalis ka na?" tanong niya sa akin habang nagaayos ng mga unan at kama niya.
"Nope, maga-agahan muna tayo. Nagluto ako para sa ating dalawa. Maaga pa naman." sagot ko naman sa kaniya.
Lumabas na kami ng kuwarto ni Ysabel at pinaghain ko siya ng mga agahan na niluto ko para sa aming dalawa.
"Thank you sa pag-asikaso sakin, it's been a while na may naghanda ng breakfast for me. Ang sarap lang sa pakiramdam na may taong nagke-care sayo." pasalamat niya sa akin.
"Wala bang care sayo si Matthew at nagkakaganiyan ka agang-aga?" biro ko sa kaniya.
"Sira! What I mean is, namiss ko yung ganitong treatment sa bahay. Ako yung ginigising sa umaga, pinaghahanda ng breakfast at pinaghahainan ako sa lamesa." nakangiti ngunit bakas ang pangungulila ni Ysabel sa tahanan nila.
"Kumusta pala sina Tito't Tita? Matagal-tagal na rin kasi noong nag-house hunting tayo nina Nicole sa bawat bahay ng isa't isa." tanong ko sa kaniya.
"Sa tinagal-tagal ng panahon, at peace na rin yung relationship ng parents ko. Napabuti pa nga na nandito ako sa dorm, hindi sila nag-aaway. Kunsabagay, sila na lang ang magkasama sa bahay. Alangan, mag-inarte pa sila sa isa't isa. They are not getting any younger, they should be matured. Not just for their relationship but the whole family as well." sagot niya sa akin.
YOU ARE READING
I'M INTO YOU SEASON 2
RomanceThey say that a relationship will work better when a man loves a woman more when they become lovers. The life they shared, it was all gone. However, the series of tears and countless regrets are still there. Blessings turns to sins but it lead them...