10 YEARS LATER
**********"perfect! okay, one more turn dahling...now, that's a wrap! pahinga ka muna, Ria dear."
anang baklang mentor sa matangkad at mala-dyosang nilalang in her hot pink one-piece bikini swimsuit and four-inches platform heels. agad na lumapit ang mga alalay nya at ibinigay ang kanyang roba. pumasok ang magandang dilag sa sarili nyang dressing room at naupo, legs crossed on a director's chair facing the vanity mirror. agad na lumuhod ang mga alalay para tanggalin ang suot nitong high heels. agad silang kumuha ng malambot na sapin sa paa para dito. inilahad nya ang kamay at ibinigay sa kanya ang isang bote ng moisurizer na pinahid nya sa kanyang poreless at makinis na mukha.
"prepare my things. after my final pasarella practice dideretso ako sa Manor. di ko na uulitin ang utos ko kaya tanga na lang kayo kung di nyo pa makuha." napayuko ang mga alalay at tumango.
"masusunod po, Senyorita." anila.
"leave." nagsilabasan ang mga ito kaagad. alam na nila ang mga dapat gawin.
pagkalabas ng kanyang mga tauhan, agad nyang hinubad ang one-piece swimsuit at nagpalit ng kanyang paboritong VS lingerie undergarment pair. kakalabas pa lang ng ganitong pares last week at sya pa lang ang meron nito sa pinas. oh well, that's one of the perks if you belong to an influential family. there's nothing that she wants that she cannot have. she looked at herself in the mirror and it made her proud. the lingerie fitted her sexy form perfectly. she then chose to wear an off-shoulder FOREVER 21 crop top and a Nine West maong mini-skirt. she then finished it with a pair of ballet flats. kinuha nya ang kanyang ferragamo bag at sinuot ang kanyang D&G aviator shades at lumabas na ng dressing room nya. nadaanan nya ang ibang mga wannabes na agad syang tinapunan ng naiinggit na mga tingin. at dahil umandar ang maldita radar nya dahil obvious na pinagtsi-tsismisan sya ng mga ito, she intentionally stopped sa harap ng isa sa kanila and gave the girl her sweet yet poison-laced smile.
"Yes, Brianna? may kailangan ka?" tanong pa nito.
"oh. wala naman. i'm just curious lang kasi. legs mo ba yan--- o braso?" aniya, pertaining to the girl's pair of legs. umigkas ang isang kilay ng babae at napikang sinagot sya.
"ofcourse these are my legs! wow, ha. di mo alam? akala ko ba matalino ka?" anito na nginisihan pa sya. she smirked,too.
"my bad. of course i'm smart. i was born with it. di ko lang kasi agad napansin na legs pala yan. akala ko kasi, braso mo. ang nipis. ingat ka, ha? huwag kang tumapat sa electric fan. baka matangay ang balat mo at mapagkamalan kang kalansay nyan. ciao!" pangbubuska pa nya, whipping her dark, long tresses hitting the girl square on the face.
"how dare you Brianna Elizalde! bumalik ka ditong bruha ka! bwiset!" the girl shrieked at pilit syang sinusugod pero pinipigilan ito ng mga tao doon. Brianna jurt rolled her eyes at dineadma ang hipon na yun. anlakas mang-backstab eh wala namang maibubuga. ni wala sa kalingkingan nya ang lamang-dagat na iyun na nag-aambisyong maging Beauty Queen eh mukha namang kugitang may buhok.
napailing na lang ang mga alalay sa ginawa nito. wala na yatang papantay sa sama ng ugali nito.
naka-standby na ang driver at agad pinagbuksan ang kanilang amo. isang limousine type-SUV ang sasakyan na bulletproof pa. ang mga alalay, nasa coaster van nakasakay. nag-convoy sila papunta sa Manor de Elizalde, ang tirahan nito. Brianna just leaned on her seat and got her smartphone. she just checked her IG and saw that the kugita-girl posted what happened kanina. she just sniggered at the post na sobrang trying hard mag-english. naka-capslock ang caption ng post at galit na galit ang dating. nakaisip na naman sya ng kalokohan at kinunan ng screenshot ang post at ginawan ng meme. as usual, umatake na naman ang mga suki nyang bashers at haters.
![](https://img.wattpad.com/cover/321390073-288-k73251.jpg)
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romancetatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...