CHAPTER FOUR

5K 138 4
                                    

"wow! perfect! your pasarella is now impeccably fine,dahling! handang-handa ka na talaga!" ang natutuwa pang bulalas ng baklang mentor after her rounds of walking movement on the floor. this time, nakasuot na sya ng long gown habang rumarampa. pumalakpak din ang buong team nya nang ma-perpekto nya ang kanyang pag-ikot. she made her pose and mastered her smile and stage presence. matapos nito ay nagbihis na sya at kinausap na sya ni Mama Jonas, ang baklang head mentor ng beauty camp na ito.

"dahling, malapit na ang screening for Binibining Pilipinas. kaya dapat, watch out ka sa timbang mo most specially the food you eat. your pasarella is perfectly fine and your Q&A is polished, too. i'm sure you could nail it dahil matalino ka.  pero dapat mo ring malaman at matandaan na ang mga beaucons, very tough ang kompetensya dyan at meron pang cheating rumors dyan. kaya dapat alerto ka at kahit ano pang mangyari, don't trust those girls that much. you must always put your guard up." paalala pa nito.



mataman syang nakinig dito dahil proven na ang expertise nito when it comes to beauty pageants, local man o international. katunayan, nakapag-produce na ang training camp na ito ng mga international beauty queens. kaya dito nya piniling hasain ang pasarella nya para may edge sya talaga kapag sumalang na sya sa screening.

"don't worry, Mama J. i'll keep all of that in mind." aniya.

"good. naku, i'm really excited na makapasok ka sa roaster ng mga kandidata. and one more thing--you must take care of your image,too. dapat careful ka sa mga salita at kilos mo. yung image mo na maldita sa social media, baguhin mo muna yan. dapat mapagkumbaba ka, mabait at approachable. kasi ang mga aspiring beauty titlist, may mga advocacies sila. at yun ang gagawan natin ng paraan. you must have an advocacy, an outreach program. kaya kalma muna ang pagka-maldita, Brianna dear. we have to build up an image for you para pumabor sa 'yo ang mga pageant enthusiast. so starting today, you need to calm down and be still. okay?"



anito na malawak ang ngiti na para bang may naisip na napakagandang ideya. sya naman, lihim na napaismid sa sinabi nito. di nya naisip na may demure image pala syang dapat ipakita to gain people's sympathy. now that's tough love for her. lalo pa't kilala syang bratinella on and offline. di nya alam kung anong magic trick ang gagawin ng team nya at training camp para mapintahan sya ng bagong imahe. ngayon pa lang, alam nyang mahihirapan maging 'mabait' para pumabor ang mga tao sa kanya.

"ah! alam ko na ang unang gagawin mo for your temporary change of image, dahling!" bulalas pa ni Mama J sabay palakpak. umiknat ang isang kilay nya.

"and what is that?" aniya.

"well---yung slum community sa likod ng village nyo? those people living on your family's land?" tanong pa nito.

"what about those poor creatures? don't tell me you want me to interact with them? no way!" agad nyang palag sa suhestyon nito. the mentor rolled his eyes.

"mygahd, Brianna! how can we build a good image for you kung di ka susunod sa gusto ko?"




ang naasar pang turan nito.

"andami naman kasing iba, Mama! bakit yan pa? you knew how much i hate those slum dogs! isipin ko pa lang na madikit ang balat ko sa kanila, nandidiri na 'ko!" ang ubod ng arte nya pang turan na umaktong kinikilabutan.

"you listen, dahling. it's not like you're going to linger with them for long! you're just going to use them to have a humble image,ano ka ba! para ka namang hindi anak at pamangkin ng mga pulitiko nyan. that's how campaign works. at ang strategy na yun din ang gagamitin natin for you! every candidate has their own advocacy, Ria. pa'no ka makaka-angat sa online polls nyan kung babagal-bagal tayo? tandaan mong may preliminary rounds pa before the coronation day. kailangan mong makakuha ng mga special awards para maka-secure ka ng lugar sa top 16, 10 at sa top 5!" bulalas pa ng baklang trainoor nya. "basta. ako ang masusunod dito, Brianna. if you want that crown, then work hard for it!"

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon