Johann put one arm on Brianna's shoulders as they watch their daughter skating at her heart's content on the skating rink. pinasara nya ang buong area para masolo ito ng anak nya. nanduon din ang coach nito na syang gumagabay at nagtuturo dito. nang makalabas ito ng ospital, agad nitong hiniling sa kanya na gusto nitong maging athlete-pangarap nito ang maging figure-skating champion. walang pagdadalawang-isip na pinayagan nya ito at kumuha ng coach. bonus pa dahil nakitaan ito ng potensyal at ginawang parte ng national team.
"gusto ko sanang ipaliwanag sa 'yo ang nangyari nung araw na yun, Johann." sabi nito sa kanya.
"Johann na lang, Mi Dulcinea? kaka-offend naman yan." aniya na nagkunwaring nagtatampo. Brianna giggled and kissed her cheek.
.
"sorry na. matagal na rin kasi..kaya, ano---" kinintalan nya ito ng halik sa labi na ikinapula ng mukha nito. she smiled and tuck a strand of loose hair on the back of Brianna's ear."huwag na nating pag-usapan ang noon. ang mahalaga, yung tayo ngayon."
"pero kasi... gusto kong maliwanagan ka sa mga totoong nangyari noon. yung parang proper closure ko sa nakaraan. please?" hindi rin naman sya makatanggi dito kaya pinagbigyan na nyang isalaysay nito ang mga nagdaang pangyayari.
"okay. if that'd take off the burden from you, handa akong makinig. fire away." bumuntong-hininga ito at humilig sa dibdib nya.
"ilang oras nun bago ang coronation day, pinuntahan ako ni Abuela sa hotel room ko. pinakita nya sa 'kin yung pictures natin...at pinagbantaan nya ako. ang sabi nya, kapag hindi kita nilayuan, ipapapatay ka nya at ang pamilya mo. alam ng Dios na ayaw kitang layuan. mahal na mahal kita." salaysay nito na nagsimulang humikbi. niyakap nya ito habang hinahaplos ang malambot nitong buhok.
"hush, tama na. kung nakakasakit na sa 'yo, huwag mo nang ituloy. ayos lang sa akin. kalimutan na natin yun. wala na ang matandang yun, hindi nya na tayo gugulohin pa. ang nais ko sana, magsimula tayong muli. ikaw, ako at ang anak natin. let's start anew, mi dulcinea. you and i..."
*******************matapos ang training ng anak, dumiretso naman sila sa toy kingdom at halos bilhin na ni Johann ang buong tindahan. kahit anong ituro ng anak, binibili nya agad.
"Mi dulzura naman, ang dami na ng mga yan. pagsasawaan din nya yan kalaunan." saway ni Brianna kay Johann na kung saan-saan na lang hinihila ng anak nila para magturo ng maibigan nitong mga laruan. ngumiti lang ito.
"hayaan mo na. lahat ng meron ako, lahat ng kaya kong ibigay---para sa anak natin yun. babawiin ko ang pitong taon kong pagkukulang, Mi Dulcinea ." anito. ngumiti na rin lang sya at hinayaan ito. napakasaya nya habang pinagmamasdan ang mga pinaka-importanteng tao sa kanyang buhay. napaka-clingy ng anak nya sa Dada nito at laging naglalambing. buong araw, wala silang ibang ginawa kundi ang mamasyal at magsaya.
sinulit nila ang bawat sandali na magkasama silang pamilya.
ngunit lingid sa kaalaman nila---may kanina pa nakamasid sa kanila. mga matang puno ng inggit, poot at galit.
"magsaya lang kayo. sige lang. dahil hindi rin yan magtatagal. makikita nyo."
*************0o0*******************"saan ba kasi tayo pupunta?" tanong nya dito habang inaalalayan sya nito pababa ng kotse. hawak nito ang kamay nya habang ginigiya sya palakad sa isang madamong daanan. the dewy, smooth grass felt good on her feet. pareho lang silang nakapaa nito habang naglalakad.
"basta. malapit na tayo." sagot nito. maya-maya, huminto na sila. "okay, we're here." wika nito sabay tanggal ng piring sa kanyang mga mata. masuyo itong bumulong sa kanyang tenga.
"look up and read the balloons, mi dulcinea." anito. she then look up and read the letters written on the group of colorful hot air balloons na surprisingly, hugis-puso lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/321390073-288-k73251.jpg)
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romancetatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...