"nung isang araw ka pa ganyan. nag-aya ka ngang makipag-inuman,'di ka naman kumikibo dyan. pambihira ka talaga, Johann." ang naiiling na turan ni Manny habang magkatapat silang umiinom ng cerveza sa loob ng Deluxe VIP lounge ng high-end bar na pagmamay-ari nito. solo nila ang buong lugar at tanaw nya mula sa heavily tinted one-way, floor-to-ceiling glass wall ang mga maharot na galaw ng mga parokyanong sumasayaw. binaba nya ang hawak na shot glass at sumandal sa velvet couch. tiningnan nya ang kaibigan na nagugulohan sa kanya.
"may posibilidad ba talaga 'tol na maging kamukha mo ang isang taong di mo kadugo? tapos, andami nyo pang similarities. like yung weirdness sa pagkain, kahit na allergies? ganun."
pati si Manny, napaisip sa tinanong nya.
"well---kahawig, pwede. kaya nga may mga ka-look a like ang ilan, 'di ba? imposible kasing kamukha mo talaga yung tao na di mo ka-anu-ano. ewan ko lang,ah. teka, yan ba ang bumagabag sa 'yo these past few days?" usisa nito. tumango sya dito.
'di talaga sya tinigilan ng isip nya tungkol sa batang kanyang tinulongan. bumabalik-balik sa balintanaw nya ang mukha nitong parang carbon copy nya lang. at yun ang nagpagulo sa kaisipan nya ng husto-kung pa'no nangyaring nakuha ng paslit ang mga features nya nung bata pa sya.
"ba't mo nga pala naitanong ang tungkol sa ganyan? may nakita kang kamukha mo?" tanong nito sa kanya. she heaved a sigh and nodded. lampas dekada na ang pagkakaibigan nila kaya wala syang maitatago dito.
"may nakita kang kamukha mo? seryuso?" muli syang nagsalin ng alak, a Jack Daniels this time, sa kanyang shot glass. inisang lagok nya ang laman ng baso bago sumagot sa tanong nito.
"seryuso nga. mukha ba 'kong nagbibiro?"
"pero pa'no ka naman nagkaroon ng ganun? don't tell me na maliban kay Jiro, may kapatid ka pang iba?" natawa naman sya sa sinabi nito.
"sira. faithful at loyal ang mga magulang ko, ano. si Jiro lang ang kapatid ko." wika nya.
"kung ganun nga---sino naman yang tinutukoy mong kamukha mo, aber?"
"nung pumunta kasi ako sa reunion namin-may nakilala akong isang batang babae. tinulongan ko sya mula dun sa mga nambu-bully sa kanya. normal na tulong lang dapat yun, pero may kakaibang bagay na nangyari sa 'kin nung nakita ko ang mukha nya. 'tol, maniwala ka man o hindi-nung tinitigan ko ang mukha ng paslit...nakita ko sa kanya ang hitsura ko nung ako'y bata pa. at nung yakap ko sya...parang lumundag ang puso ko sa saya at para akong nakuryente. ayaw ko na nga syang bitawan,eh. gusto ko na lang na yakapin sya ng mahigpit at patahanin. ang gulo,eh. it feels so strange for me to feel that way to a person, a child-na di ko man lang kadugo."
salaysay pa nito. di maintindihan ni Manny kung bakit bigla na lang ding sumulpot sa balintanaw nya ang mukha ng anak ni Brianna. posible kayang... parehong bata lang ang nakita nila?
"o, natahimik ka?" napapitlag sya ng magtanong ito. natulala pala sya saglit.
"w-wala. alam mo, huwag mo munang isipan yan. shot muna tayo. enjoy ka lang habang naka-bakasyon ka. yun!"
they made a toast together.
"cheers!"
they drink the Jack Daniels bottoms-up.
"call of nature lang muna." anito na pumasok ng comfort room. nang makapasok ito ay agad nyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang asawa.
(o, langga? napatawag ka? may gulo ba dyan sa bar?) ang sunod-sunod pang tanong nito. napangiti tuloy sya.
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romantizmtatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...