CHAPTER NINE

4.5K 151 6
                                    

Johann is currently fixing the collar of her dark blue jumpsuit nang tumunog ang incoming call alert ng cellphone nya. nilapitan nya ito at dinampot, pero numero lang ang nasa screen. wala sana syang planong sagutin pero wala rin atang planong tumigil ang tumatawag kaya sinagot nya na.

"Hell---"

(Bakit ba ang tagal mong sumagot?! asan ka ba?)

nagsalubong ang mga kilay nya sa asal ng caller. halos makulili ang tenga nya sa tinis ng boses ng kung sino man 'to.

"teka nga, ba't mo ba 'ko sinisigawan? sino ba 'to?" tanong nya. kaasar din ang isang 'to. kung singhalan sya wagas.

(my goodness. its me, Brianna Elizalde. your partner sa Linguistics class, duh.) the brat answered bitchily. kahit sa tawag, nakakabanas ang pagiging maldita ng babaeng 'to.

"at pa'no mo nakuha 'tong number ko? ang aga-aga, nambubulahaw ka. di ka ba marunong magsalita ng mahinahon?" hinanda na nya ang mga gamit ng magsalita ito ulit.

(we need to talk about the project.now. we need to meet halfway for this. magkita tayo.)

demand pa nito na parang inutosan lang ang isang real estate agent na hanapan ito ng bagong condo. Johann set her phone on loud speaker as she tied up the laces of her high-cut shoes.

"I have an apprenticeship training today. di ako pwede." aniya at inayos muli ang kanyang jumpsuit.

(what? seriously? is that more important than me, i mean---the project? you're unbelievable.)

Johann turn the speaker off at inilagay ang headset nya. masyadong maingay ang babaeng 'to at baka magising pa ang kapatid nya.

"oo, mas importante pa sa 'yo o sa kahit na ano. dahil future ko ang nakasalalay dito. gaya rin lang kung ga'no ka-importante sa 'yo iyang pageant mo." prangka nya pang sabi dito. ang taas talaga ng tingin nito sa sarili na ang dali lang para dito na maliitin ang pangarap ng iba. "i'll hang up. mamaya na tayo mag-usap. nagmamadali ako,sorry."

aniya at tinapos na ang tawag. minor subject lang nya ang naturang project at pwede nyang kunin ulit kung sakaling ibagsak man sya ng instructor nito.

pero itong apprenticeship kapag di nya nadaluhan, mawawasak lang lahat ng kanyang pangarap. maba-balewala lahat ng pinaghirapan nya at mabibigo ang mithiin nya para sa pamilya. isa pa, walang matinong pakisama ang babaeng yun. ni hindi nga sila magkasundo. puro panlalait lang ang natatanggap nya mula dito. masyado itong maarte at ayaw nya ang ganung ugali. pagkababa nya, hinanda na ng ina ang mga dadalhin nya. napapikit sya at sinamyo ang napaka-bangong niluto nito. pagmulat nya, inihain na ng kanyang Nanay ang dalawang bandehado na may lamang tocino at bacon bawat isa. agad syang naghila ng upuan, kumuha ng tinidor at nagtusok ng isang bacon.

"grabe. ang sharap talaga nito, Nay." aniya na nag thumbs-up dito. matamis na ngumiti ang ina at hinalikan ang buhok nya.

"syempre naman. di ko hahayaang mapahiya sa apprenticeship nya ang future Captain ko. kaya ako bumili ng mga paborito mo para may maipambaon ka mamaya. kaya kain ka na, anak. para di ka ma-late. ako na ang magpapaligo sa kapatid mo." 

anito na umakyat sa taas. ganado syang kumain nang pumasok ang tatay nya at naupo sa kabisera ng mesa.

"goodluck sa apprenticeship mo,anak. ang bilis talaga ng panahon. tingnan mo ngayon, isang taon na lang at ga-graduate ka na." ang masayang turan ng ama na nakipag-high five sa kanya. isa ito sa  mga pinaka-masayang bagay sa pamilya nya. sila ng tatay nya, parang tropa lang turing sa isa't-isa. kaya napakataas ng respeto nya dito. ganun ito ka-cool na ama sa kanilang magkapatid.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon