CHAPTER ELEVEN

4.8K 158 2
                                    


(why don't you come here at my place? tingnan mo yung kotse ko kung andun nga.)

patuloy pa nitong panunudyo sa kanya na halata namang pinipikon lang sya.

"give that back to me. alam mo naman palang na sa 'yo yan pero ba't di ka man lang nagsabi?" di talaga nya matantya ang takbo ng utak ng babaeng 'to. kung umasta, para bang close silang dalawa.

(I really don't know what you're talking about. how sure are you that you really lost it in my car? malay mo, naihulog mo lang kung saan.)

she quipped, trying to make her voice straight but her giggles are obviously heard. Johann puffed an impatient breath and tried to be calm as much as she can.

"just give it back,Brianna. kailangan ko nga yan sa pag-aaral ko. aanhin mo naman yang bar pin ko? ni hindi kita girlfriend o ano. ibalik mo yan." banta nya pa dito.

(so if girlfriend pala mo pala, pwede nyang makuha yung pin? ganun ba yun?) napapikit na lang si Johann dahil malapit na talaga syang mawalan ng pasensya dito.

"pupuntahan kita. kukunin ko yan."

(talaga? pa'no yan, nasa rehearsal ako ng pageant. pupunta ka dito, Johann?)

napakamot na lang sya sa ulo nya. may klase sya ngayong hapon at bago yun, kailangan nya pang magpakuha ng 1x1 at 2x2 pictures para ilagay sa official apprenticeship form nya. kung pupuntahan nya pa kung saang lupalop man ito, magagahol na sya sa oras. pero kailangan nya ang bar pin nyang yun para sa portrait shots. napakamahal nun kapag nagpagawa pa sya ulit. di nya maiwasang makadama na ng galit dito. pinaglalaruan lang sya ng spoiled brat na 'to.

"fine. kung ayaw mong ibigay, eh di wag. di kita hahabulin. sanay ka sigurong manguha ng di sa 'yo kaya ka ganyan." aniya at tinapos ang tawag. wala talaga syang pasensya sa mga taong may ganung ugali-na para bang masaya sila kapag nahihirapan ang iba. halata namang hawak nito ang bar pin nya. yun ang tinutukoy nito nung tinanong sya nung gabing yun kung wala ba syang nakalimutan. kaya pala nakangisi ito. di nya tuloy maiwasang maisip yung malditang batang babae dati. isa pa yung bwiset.


mukhang kailangan nga nyang magpagawa muli. nanghihinayang talaga sya na magpagawa ng bagong bar pin. last year na ng pag-aaral nya sa susunod na taon kaya di nya kailangang magpalit pa ng bar pin. mukhang makakaltasan nya ang inipon para sana pang-handa sa graduation nya. nag-desisyon syang yun na lang ang gagawin dahil wala na rin naman syang choice. kahit ayaw nya, pumunta na lang sya sa bangko para mag-withdraw ng pera. ansama ng timpla nya ng naglalakad sya papuntang train station. kamuntik pa nyang masapak yung sumingit sa pila. pagkarating nya sa bangko, agad syang nagfill-up ng withdrawal slip. napadiin pa ang paghawak nya sa ballpen nang isulat na nya in words ang amount ng perang kanyang kukunin---One Thousand Five Hundred Pesos. anlaki na nun para sa isang studyante pa lang gaya nya. mabigat ang kalooban na binigay nya sa teller ang papel.

"hintay lang po muna kayo dun. tatawagin lang ang number nyo." sabi nito. tumango sya at naupo sa ibang upuan. that Bitch--malas talaga ito sa buhay nya.




nang tawagin na ang number nya, nakuha na nya ang pera. ang gandang tingnan ng papel de bangko lalo na kung bagong withdraw. pero nakakapang-hinayang din gastahin. pagkalabas nya ng bangko, tumunog ang cellphone nya. pagkakita nya sa pangalan ng caller, uminit na naman ang ulo nya. she really had the nerve to call after what she did. di nya ito sinagot at nilagay sa airplane mode ang cellphone. naperwisyo na sya't lahat kaya wala nang saysay na mag-usap pa silang dalawa. dumiretso sya sa HGU at nagpagawa ng panibagong golden bar pin sa kilalang jeweller doon na sya ring gumagawa ng mga class rings para sa mga graduates ng University. at dahil pinasadya, mahal talaga ang bagong bar pin nya.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon