"Evil Queens are Princesses that were never saved..."
---Maleficent, Sleeping Beauty
******************************the whole area is buzzing with people going to and fro doing their duties, habang nagmamando naman ang wedding organizer sa mga tauhan nito. Champagne Gold ang motiff ng kasal at dahil nasa open na lugar, kailangang i-secure ang mga gamit kapag humangin ng malakas. may isang napakahabang red carpet sa gitna ng aisle at sa magkabilang gilid ay mga statwa ng querubin na may kargang mga paso, na nilagyan naman ng mga spring, lavender at dandelion flowers.
sa dulo ng magkabilang dulo ng aisle ay ang dalawang malalaking arko na nababalot ng mga mamahaling bulaklak. andun din ang dalawang high-back chairs at ang altar. sa kanang bahagi, dun pupwesto ang sikat na violin siren- --si Serena Figueroa, kasama ang Loboc children's choir. sila ang kakanta para sa kasal. kung abala ang lahat sa labas, ganun din ang mga tao sa loob ng malaking tent na ginawang make-up at dressing room ng bride. kasalukuyan nang sinusuot ang gown sa kanya ng mga assistant ng fashion designer galing abroad.
it was an off-shoulder, heart-shaped bodice A-train gown the combination of white and gold. napapalamutian ito ng libo-libong kumikinang na swarovzki crystals at may entricate at pinong floral detailing. her hair is styled in an elegant chignon bun that is pinned in place with pure silver pins. on her head, holding the veil is a 24K diamond studded tiarra.
hawak naman nya sa kamay ang isang bungkos ng holland tulips. maya-maya'y pumasok na ang organizer.
"ready na po tayo, bride. magsisimula na ang wedding march." ngumiti at tumango ang napakagandang bride nang igiya sya palabas ng tent. inalalayan syang sumakay sa isang ginintuang karwahe na hila ng dalawang puting kabayo at pinapatakbo ng isang naka-unipormeng hinete.
nang makaupo sya ng maayos, agad na pinatakbo ang karwahe papunta sa venue. Brianna looked around, and can't help but be amazed on everything she sees. she never thought that this day would come for her and Johann. ang inakala nyang pangarap na makasama ito habang-buhay, nagkatotoo na.
huminto sila sa tapat ng isang arko kung saan dalawang footman ang umalalay sa kanyang pagbaba. puno ang venue ng mga bisita at laking tuwa nya ng makita ang kanyang unica hija na nakasuot ng isang eleganteng gown para sa mga flower girls. may bitbit itong maliit na basket na may lamang mga petals. yumakap ito sa kanya.
"you're so beautiful po, Mama.." papuri nito sa kanya.
"you too,mi amor.." aniya na hinalikan ang anak sa noo nito.
"okay, everyone, positions na please. hayan na ang cue." pagkasabi ng organizer, agad pumailanlang ang pamosong wedding march. Brianna held her breath, keeping herself calm. nagsisimula na kasi syang kabahan nang naglakad na ang mga flower girls, ring bearers at ang mga abay.
"let's go, lovely bride?" nagulat pa sya ng makita ang nakatatandang kapatid na nakasuot ng puting barong.
"Kuya! akala ko di ka na makakarating!" ang nasisiyahan nyang turan sabay kawit ng kamay sa braso nito.
"pwede ko ba namang palampasin ang pinakamasayang araw mo? kaya, halika na."
naglakad na sila nito sa aisle. humigpit ang hawak nya sa braso ng kapatid habang papalapit sila sa altar. tinapik nito nang marahan ang kamay nyang nanlalamig na sa kaba.
"relax, Ria. malapit na tayo sa forever mo." biro pa nito sa kanya.
"kinakabahan talaga ako, kuya. ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal." aniya. one step closer-and she's now infront of the one she's gonna spend a lifetime and forever with. nakipag-kamay ang kapatid nya dito bago ito nag-give way sa kanila. Johann looked dashing in at champagne gold tux with her sleek back hair.
![](https://img.wattpad.com/cover/321390073-288-k73251.jpg)
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romantizmtatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...