CHAPTER SIXTEEN

4.6K 140 5
                                    


yumukod ang isang tauhan dalawang metro ang layo mula sa kinatatayuan ng isang lalaking nakaharap sa floor-to-ceiling glass walls ng naturang napakalawak na silid. the snowy-head man looked outside the glass, to the busy streets of the city under the red-orange skyline.

"naisali na po sya sa roaster ng mga apprentice, Senyor." balita pa nito sa kanyang amo. bahagyang tumango ang Senyor, nakatanaw pa rin sa labas.

"mabuti. sigurohin mong hindi makikialam si Natasha. bantayan nyo ang kilos ng sampid na iyun. sigurohin mo na di nya mapagtatangkaan muli ang buhay ng apo ko. malapit ng makumpleto ang mga ebidensya laban sa kanya. mailalagay ko na sya sa dapat nyang kalagyan." the old man said it with a low, icy voice. mas lalong napayuko ang tauhan.

"masusunod po,Senyor. may mga mata at tenga po tayo sa bahay ni Sir Rolando. monitored ko ang kilos nila." aniya. the old man shifted and face him, leaning on his eagle-head cane.

"don't forget the Elizaldes. may utang pa silang dapat bayaran."



tumango at muling yumukod ang kanyang tauhan. naglakad ang matanda at umupo sa kanyang royal high-back chair. pinag-krus nito ang binti, sumandal sa kinauupuan at kinumpas ang mga kamay. dagliang lumapit ang dalawang unipormadong kasambahay. bitbit ng isa ang bote ng aged in oak barrel, Ugni Blanc sheer cognac---a Henri IV Dudognon Heritage Grande, habang hawak ng isa pa ang isang mamahaling kopa na may ginto at pilak na hawakan. sinalinan iyun ng isa ng alak at binigay sa Senyor. yumukod ang dalawa at umatras, bumalik sa kanilang kinatatayuan.

"anong mga nalaman mo mula sa kampo ng kalaban, Menardo?" the grandoise old man ask his right-hand, bringing the goblet under his aristocratic straight nose and smelled the vintage scent of the wine.

"may balak tumakbo ang mag-bayaw sa magkaibang national positions. ang apo ni Esperanza, kasali sa isang national beauty pageant." binaba ng matanda ang kopa at pinagdaop ang mga palad sa ilalim ng kanyang baba, nakatukod ang mga siko sa hawakan ng silya.

"ang apo na iyun ni Esperanza---sya yung batang babae, hindi ba?"





tumango si Menardo. "tama po, Senyor. sya ang malditang bata na nagbintang sa apo nyong nagnakaw at naging dahilan ng kanyang pagka-aksidente ten years ago." muling uminom ng alak ang Senyor bago ito nagsalita muli.

"ihanda mo ang lahat ng katibayan natin laban sa mga Elizalde. dapat noon ko pa sila dinispatsa. hindi sana nalason ni Esperanza ang isip ng aking esposa na tumulad ito sa kanya. kung naging mas mapagmatyag lang ako, di sana napasok ng ulupong na asawa ni Grego Elizalde ang buhay namin. sisingilin ko sya ng higit pa sa buhay nya." ang mariin at puno ng pagkamuhing turan ng Senyor. tumingin ito sa isang malaking portrait sa pader. napakaganda ng nag-iisa nyang anak na babae sa naturang painting. namana nito ang hugis at kulay ng kanyang mga mata, pati na ang perpektong tangos ng ilong. di nya napigilan ang luha na umagos mula sa kanyang mga mata. mahal na mahal nya ito di dahil nag-iisa itong babae at bunso sa apat nyang mga anak, kundi ito ang pinaka-malapit at malambing sa kanya.




ang tanging naging pagkakamaling nagawa nito ay ang umibig ito sa isang taong mababa ng katayuan sa kanila. wala naman sanang problema yun. suportado nila ang mga anak sa kung sinuman ang kanilang mapupusuan. hindi matapobre at mapagmataas ang kanilang pamilya, taliwas sa pinipintang imahe ng madla sa kanila. di rin masamang babae ang kanyang namayapa nang kabiyak. nagsimula lang itong magbago nang makilala at kinaibigan nito ang ulupong na si Esperanza. para itong yung ahas na tumukso sa unang tao na magkasala. kaya ganun na lang ang galit nya dito at di nya hahayaang di ito magbabayad ng malaki. ang babaeng ahas na yun ang nagsulsol sa asawa nya na itakwil at tanggalan ng mana ang anak nang umibig ito sa isang basketbolistang di galing sa mayamang pamilya. huli na ng malaman nya ang lahat---wala na sa pamamahay nila ang anak nya. nasa Madrid sya noon ng mangyari iyun. sumilakbo ang kanyang galit dahilan upang mapagbuhatan nya ng kamay ang esposa. nagdamdam ito at inatake. namatay kalaunan ng di sila nagka-ayos.




sinubokan nyang abutin muli ang anak, pero malaki ang tampo at sama ng loob sa pamilya nila. dumagdag pa sa mga gahamang ulupong sa bakuran nya ang asawa ng panganay na anak nyang lalaki. mas kumulo ang kanyang dugo ng mapag-alamang pamangkin ito ni Esperanza. ito ang humaharang sa mga tulong na bibinibigay nya sana sa nawalay na anak. sakim at makasarili si Natasha na minamanipula ang anak nya para sumunod dito na parang aso. ito at ang pamilya Elizalde ang buburahin nya sa mukha ng mundo. napakalaki ng pagkukulang nya sa anak-at determinado syang bumawi dito at sa kanyang mga apo.

"Menardo, sa Hangar tayo. ngayon na." utos nya sa kanyang kanang-kamay. agad na tumalima ito at hinanda ang sasakyan. bumiyahe sila papunta sa paradahan ng mga naglalakihang abyon. lahat ng ito---mamanahin ng apo nya. binuo nya ang airline business na ito nung malaman nyang pangarap nitong maging piloto. alam nyang marahil ay namumuhi ito sa kanya. at handa nyang harapin at tanggapin ang galit nito, makasama lang nya silang muli..
***"****************

Hola, Senyor Leonardo Zobel. hehe :😁 bigtime ang lolo ni Johann. sana all. 😁😁😁

reply here for chapter sixteen. kung may nagbabasa pa, type down lang po kung may masasabi kayo sa kabanatang ito. salamat 😊

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon