7 YEARS LATER, New Manila QC,
a neighboring city of Metropolis
*********"Elsa? do you wanna build a snowman? come on let's go and play. i never see you anymore, come out the door its like you're gone away
we used to be best buddies
and now we're not
i wish you would tell me why..."a warm, beautiful smile automatically showed up on her face the moment she heard that song. isa lang ang ibig sabihin nun---gising na ito. kararating lang nya mula sa pag-o-overtime sa trabaho at pagtingin nya sa relo, alas 8 na ng umaga. she let go of a heavy sigh. inumaga na naman sya sa opisina.
lumapit sya sa isang silid at binuksan ang isang kulay sky blue na pinto. there, on the edge of the bed---an adorable, cute little girl in her sesame street pyjamas and snow-white socks watches a hit disney animated movie.
"hola, mi amor..." bati nya pa dito. agad na lumingon ang paslit, namilog ang mala-uwak na mga mata at tumitiling sinambit ang pangalan nya.
"Mama Ria!!" lumundag ang bata sa kama at patakbo syang pinuntahan at niyakap. kinarga nya ito agad.
pinupog nya ng halik ang magkabilang pisngi ng anak na panay naman ang hagikhik. nawala na parang bula ang lahat ng kanyang frustrations, stress at pagod sa magdamagang overtime nang masilayan at mayakap ang anak. ito ang daily dose of happiness nya.
"Mama, may pasalubong po kayo?" tanong nito. malungkot namang umiling sya dito.
"wala anak,eh. sorry. ngayon pa lang nakauwi si Mama galing work." sagot nya. the little girl pouted.
"awwhh. sayang naman. pero, okay lang po. basta, nakauwi po kayo ng safe, Mama. love you po!" lambing pa nito sabay yakap muli sa kanya. tumulo ang ilang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. hinaplos nya ang buhok ng anak at hinalikan iyun. sa kabila pa man ng mga dagok at unos na kanyang naranasan--- she, afterall is still very much blessed. at ang pinaka-magandang biyaya sa kanya ay ang nag-iisang anak.
"Sasa, kain na ng almusal!" dinig pa nilang sambit ng Yaya nito. binuksan nito ang pinto at sumungaw doon.
"ay! nakauwi ka na pala, Ma'am. magandang umaga po." bati nito sa kanya.
ngumiti sya dito.
"magandang umaga din, Betty. nakaluto ka na ba?" tanong nya rito. tumango ito.
"opo, Ma'am. handa na rin po ang mga gamit sa school ni Sasa." wika nito.
"mabuti kung ganun. ligo ka na, mahal ko. may school ka pa." aniya dito.
"opo, Mama!" hinubad nito ang suot na pantulog at kumuha ng tuwalya. dumiretso ito sa banyo at naligo. isa ito sa mga traits ng anak na pinagmamalaki nya. maaga itong natuto ng independence at di na umaasa sa kanya sa mga simpleng bagay, gaya ng pagligo. katunayan, four years old ito nang magsimula itong maligo mag-isa. marunong na din itong magligpit ng higaan at magwalis ng kanilang bakuran. and she's very proud of it. mag-isa man nyang pinalaki ang anak, hindi naman sya nagkulang dito.
kahit gaano pa sya kaabala sa pagiging ina at career woman, sinisiguro nyang natuturuan nya ito ng wastong asal at tamang disiplina. matapos maligo, akma nya sanang bibihisan ito pero pinigilan sya ng paslit.
"no need na po, Mama. big girl na po ako. kaya ko na po magbihis mag-isa."
nakangiti pa nitong turan sa kanya. kaya hinayaan nya lang itong magbihis at pumunta sa dining area ng kanyang bahay. simpleng bungalow lang ito na may tatlong silid, kusina, hapag-kainan at maliit na sala. nabili nya ang bahay at lupa na ito sa isang ordinaryong subdivision mula sa pitong taon nyang pagtatrabaho.
"wala bang mga bayarin sa school si Sasa, Betty?" tanong nya sa yaya ng anak habang nilalagyan ng hotdog, bacon at pandesal na may kesong puti ang plato ng anak. sya na rin ang nagtimpla ng gatas nito.
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romancetatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...