METROPOLIS INT'L AIRPORT
*****************************hila nya ang maleta at bitbit naman ang kanyang handcarry bag nang makapasok sa loob ng paliparan. binalot nya ng husto ang mga dalang bag, lalo pa't laganap ang balita tungkol sa tanim-bala dito sa airport. nakakahiya talaga ang gawain ng ibang pinoy na umabot pa sa ibang bansa. matapos dumaan at ma-clear sa x-ray machine ang mga bagahe, diretso na sya palabas at agad syang nakita at sinalubong ng isa sa mga butler ng pamilya.
"hola, Johann. maligayang pagdating." yumukod ito at bumati sa kanya. tumango sya rito.
"gracias." tugon nya sabay abot dito ng mga dala nyang bags na kinuha nito at nilagay sa compartment ng sasakyan. pagkasakay nya, agad silang bumyahe pauwi.
"alam ba nilang ngayon ako uuwi?" tanong nya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Si. they're expecting you, actually. may welcome party para sa 'yo ang abuelo ninyo." napailing sya at sumandal sa kanyang upuan at di na nagkomento pa. wala kasi talaga syang hilig sa mga parties.
sa loob ng pitong taon nya bilang piloto, isang beses pa lang syang nakauwi ng Pilipinas. ito ngayon ang pangalawa. binabagtas nila ang kahabaan ng high-way pabalik sa Castilia Zobel nang malingunan nya ang kasabay nilang school bus. napukaw ang atensyon nya ng isang bata doon na malungkot na nakatanaw sa labas ng bintana, habang may sinusulat dito. tiningnan nyang mabuti ang sinulat nito---
I LOVE DADA. yun ang nakasulat sa bintana. napatingin lang sya doon at ewan nya ba---pero parang may mainit na pakiramdam na humaplos sa kanyang puso. bakas ang lungkot at pangungulila sa mukha ng naturang paslit. parang gusto nyang lumabas ng sasakyan para lapitan ito at yakapin. sa kakatingin nya, napatingin din ito sa kanya. ngumiti ang paslit at kumaway sa kanya. she did the same and smiled,too. ang paraan ng pagngiti nito--parang bigla syang may naalalang isang tao. ipinilig nya ang ulo at agad pinalis ang alaalang yun sa isip nya. paglingon nya ulit, nakaliko na ang bus sa kabilang lane at di nya na matanaw.
di nya masyadong naaninag ang hitsura ng paslit-pero di nya malimutan ang lungkot sa mga mata nito kanina. yung Dada na isinulat nito---marahil ang tinutukoy nito ang ama. na-miss marahil ng bata ang ama nito at gusto na itong makita. siguro nag-abroad ang ama nito, o di kaya pulis/sundalo na na-deploy sa malayo. or worst, baka patay na. kung anuman ang nangyari dun sa ama ng musmos, sana lumaki pa rin ito ng maayos.
'di man nya alam ang pakiramdam ang lumaki ng walang ama, pero di nya maiwasang mahabag dito. kung di pa siguro sya nag-ingat, baka may anak na din syang kasing edad ng batang yun.
"drive-thru muna tayo. may bibilhin lang ako." tumalima ito agad sa utos nya.
"one large fries and choco chip sundae, please." aniya sa fastfood crew. "thanks."
matapos mag-order at mabayaran ito, dumiretso na sila sa kabilang window para kunin ang inorder nya. ini-enjoy nya ang pagkain ng fries na dini-dip nya sa chocolate sundae nang makarating sila sa grandyusong Villa nila. agad syang bumaba at tinungo ang malaking pinto nito.
pagbukas nya ng pinto, agad na pumutok ang mga party poppers at umulan ng confetti.
"WELCOME HOME, JOHANN!!"
sabay-sabay pa nilang pagbati sa kanya. sinalubong sya ng yakap ng kanyang mga magulang at kapatid.
"welcome home, anak. salamat at ligtas kang nakauwi." anang kanyang ina.
"thanks, Nay. na miss ko kayong lahat."
"pinsan!" napalingon sya sa tumawag sa kanya. ang nakangising mukha ng kanyang mga pinsan ang nakita nyang papalapit sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/321390073-288-k73251.jpg)
BINABASA MO ANG
WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)
Romancetatlong bagay lang ang pangarap ni Johann na makamtan-- una, ang maging tanyag na atleta. pangalawa, ang maging matagumpay na piloto. pangatlo at higit sa lahat-- ang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap na dinaranas nila. yun lang at wala ng iba pa...