CHAPTER SIX

4.6K 150 13
                                    

************

**
"bilisan mong tumakbo, Manny!"

"di ko na kaya, Johann!"

"after them! i caught them stealing food!"
**************

"hah!"

napabalikwas si Johann sa kanyang higaan at naliligo sa  kanyang pawis nang dalawin na naman sya ng bangungot na yun. basa ang pantulog nya at naupo sa kanyang higaan. pagtingin nya sa orasan na nasa ibabaw ng tokador, alas dos pa lang ng gabi.

napahilamos sya sa kanyang mukha at sinuklay ang basa din nyang buhok. napabuntong-hinga sya at naupo sa paanan ng kanyang kama. di nya mawari kung bakit napapaginipan na naman nya ang nangayaring yun ten years ago. sariwa pa rin sa alaala nya ang trauma na dinanas nya nung mga panahong yun.

wala sa isip na inangat nya ang laylayan ng kanyang pajama hanggang ibabaw ng tuhod. sa liwanag nang mumurahin nyang bedside lamp, kita nya ang malaking peklat ng tahi sa bahaging yun ng katawan nya.

hindi nya maiwasang mapatiim-bagang kapag naiisip ang naging epekto nung aksidente nyang yun. sinira nito ang isa pa nyang pangarap---ang maging atleta sana.
***************************

10 YEARS AGO, AFTER THE ACCIDENT
*******

"kailangan nating lagyan ng titanium implant ang tuhod nya para maka-recover ito. huwag kayong mag-alala, bata pa naman sya at gagaling din ang sugat." yun ang dinig nyang sabi ng doktor na tumingin sa kanya.

sa nangyaring aksidente, tumilapon daw sya ng mahigit apat na talampakan mula sa kotseng nakabundol sa kanya. at sa malas pa, may dumaang motorsiklo at nadaganan ng gulong nito ang kaliwa nyang tuhod dahilan upang mawalan sya nang malay. tumama din ang ulo nya sa isang fire hydrant kaya nagkaroon sya ng tahi doon.

nang magising sya sa ospital, ang umiiyak nyang ina ang kanyang nabungaran. disoriented pa sya nun dahil sa anesthesia na tinurok sa kanya para matahi ang malaki nyang sugat sa ulo. ni di nga nya maalala ang buong pangyayari.

matagal sya sa ospital at tanda nya pa kung pa'no nasaid ang pera nila sa pagbayad ng mga gastusin sa ospital dahil tinakbuhan sila nang nakasagasa sa kanya. biktima sya nang hit and run accident na kamuntik na nyang ikapahamak.

pinahanap ang driver na naka-disgrasya sa kanya pero 'di na ito nakita. hindi nya malilimutan ang problemadong mukha ng kanyang mga magulang habang nag-iisip kung saang kamay ng diyos sila makaka-hanap ng pera pang-opera sa kanya. naisagawa pa rin ang operasyon sa tuhod nya. nang matapos ito at nakalabas na sya ng pagamutan---dun na gumuho ang mundo nya...
********

"pasensya ka na Johann, pero 'di kana pwedeng sumali sa taekwondo team. operado ka na at baka mapa'no ka pa. sana maintindihan mo iyun. maghanap ka na lang ng ibang sports."

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon