CHAPTER TWELVE

5.5K 166 27
                                    

"HOY!!"

"AY KABAYONG BAKLA!"

nabitawan ni Johann ang hawak na kutsara nang malakas syang tapikin at sinigawan pa ng kaibigang si Manny.

"problema mo? kung makasigaw ka, parang milya-milya ang layo nating dalawa." ang naa-asar nyang turan dito sabay pulot sa nahulog na kutsara.

"pasalamat ka nga, malakas na sigaw at tapik lang ang ginawa ko sa 'yo. para kang sabog. napa'no ka ba, ha?" bakas sa mukha nito ang pagtataka at pagka-bahala para sa kanya. nasa gotohan sila ng terminal ng ayain nya itong kumain doon. para na kasi syang mababaliw dahil bumalik-balik sa isip nya ang nangyari kanina.

"ba't mo naman nasabi yan?" tanong nya dito na sa kutsara lang nakatingin.

"pa'no ko nasabi kamo?" tanong nito sa kanya. "eh kanina ka pa sandok ng sandok dyan sa mangkok, eh kanina pa yang walang laman! yung ibang mga kumakain nga, ikaw lang ang tinitingnan. umayos ka nga,Johann. kung may problema ka, pag-usapan natin ng maayos yan." sabi pa nito. napabuntong-hininga sya at tumayo na lang para magbayad.

"uwi na tayo,'tol." aniya at lumabas ng gotohan. huminga sya ng malalim at naupo muna sa isang kahoy'ng lantay sa labas ng naturang kainan.

"o, akala ko ba uuwi na tayo?" anito na tumabi ng upo sa kanya.

"ah,oo. tayo na." tumayo na sya ulit at naglakad.

"teka nga. bili muna tayo ng pang-toma. pag-usapan natin yan over beer." pumasok si Manny sa 7-Eleven para bumili ng maiinom nila. pagkalabas nito may dala na itong apat na lata ng Cerveza Encantador at dalawang malalaking tsitsirya.

"halika na. mukhang mahaba-habang inuman to,eh." bungisngis pa nito habang naglalakad sila pabalik sa kanila. tumambay sila sa riftraft malapit sa tulay.

"o, ayan. kwento ka na bago ka tumagay." napatingin sya sa mga sasakyang dumadaan.

"may...may hinalikan ako, tol. yun ang problema ko ngayon." simula pa nya. binuksan nya na rin ang takip ng lata at tumungga mula doon.

"pambihira. may nahalikan ka at yun pala ang problema mo? juicemio, Johann. akala ko pa naman, problemado ka kasi nakabuntis ka ng kung sinong bebot dyan." anito. inubos ni Johann ang laman ng beer. 

tsaka nilamukos ang lata at initsa sa kalapit na basurahan.

"hindi lang basta-basta ang problema kong yun, Manny. buti sana kung ordinaryong babae lang. kaso hindi." sa kalsada lang ang tingin nya. gaya ng mga sasakyan, ang bilis din ng mga nangyari kanina. ni sa bangungot, di nya inasahang mahahalikan nya ang malditang yun. hindi nya alam kung anong ispiritu ba ang sumapi sa kanya at pinatulan nya ang obvious na pang-aakit ng babaeng yun.

"hindi ordinaryong babae ang nahalikan mo? hoy, Johann. baka naman pumatol ka sa may asawa kaya ka nagkaka-ganyan?!" ang nagigilasan pang turan nito. kumuha sya ng isa pang lata at ininom ang laman niyun.

"mas malala pa dun,'tol. yung nahalikan ko---apo sya ng may-ari nitong lupa. bagay na di ko dapat ginawa. lalo pa't anlaki ng atraso sa atin ng pamilyang yun.' di ko pa nga kilala ang salbaheng bata na naging dahilan kung bakit nabura ang pangarap kong maging atleta." salaysay nya pa.

"apo ng may-ari nitong lupa?" tanong ng kaibigan. "si Meredith ba, Johann? sya ang nahalikan mo?"

tanong ni Manny sa kaibigan. naubos nito ang laman ng beer at namumula na ang mukha nito. pero hindi ito madaling malasing kaya alam nyang matino pa ang isip nito.

"hindi. sana nga sya na lang,eh. pero tang*na lang kasi 'tol. yung matapobreng si Brianna pa talaga. yung malditang yun na nagmana sa lola nyang impakta."

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon