CHAPTER THIRTY

4.5K 118 13
                                    

"nag-hire ng PI si Johann, langga. ano kayang gagawin nun 'pag nalaman nya ang totoo?" tanong ni Manny sa asawa habang magkasalo silang kumakain sa kanilang hapag-kainan nang gabing yun.

"kung ako lang, 'di sya dapat magalit kay Brianna. sya kaya 'tong nang-iwan. at tsaka, sana-huwag nyang kunin yung bata. it'll surely break Brianna's heart. kawawa naman yung tao." wika nito.

"'di yun gagawin ni Johann, langga. pinagbabawal sa kanila ang magkaroon ng anak out of wedlock. kaya tingin ko, malabo yung kukunin nya ang bata." hindi nya sinabi ditong nakilala na nila ang mag-ina at may duda na sya sa koneksyon ng dalawa. ayaw nya itong pangunahan, lalo pa't 'di rin naman sya sigurado.

"so kapag kunwari, ipa-DNA nya ang paslit...at nalaman ng lolo nya. meaning, kailangan nyang pakasalan si Brianna? what if, wala na ang feelings si Johann sa kanya? it'd be unfair, langga. yung magsasama lang sila dahil sa bata."

naisip na rin nya ang ganun. sa huli kasi kapag pinilit pa, ang bata din ang magdurusa.

"naawa talaga ako sa batang yun, langga. nung nakita ko sya sa toy store na naiiyak habang tinitingnan yung doll house. eh kung tutuosin, kahit milyones pa ang halaga nung laruan, kaya yung bilhin ni Johann. hindi dapat maghirap ang bata kung napakayaman naman nung isa nyang magulang." uminom ng tubig si Manny at ginagap ang kamay ng asawa.

"manalig na lang tayong gagawin ni Johann kung ano ang tama, langga. mabuti syang tao kaya naniniwala akong 'di nya pababayaan ang kanyang mag-ina." Maricar smiled at her husband. maya-maya pa, lumapit sa kanila ang kanilang panganay na kakagising lang mula sa maghapong pagtulog.

"Mama, Papa. gutom na po ako." anito na umupo sa upuan katabi ng ina.

"naku, gutom na pala ang prinsessa namin. heto, kain ka na anak." nilagyan ni Maricar ng pagkain ang plato ng anak na si Aileen. magana itong kumain nang biglang humilab ang tyan nya at napangiwi sya sa sakit.

"l-langga...a-ang tyan ko..a-aray!" nagpa-panic na kinarga ni Manny ang asawa at sinakay sa kotse.

tinawag nya ang yaya ng anak nilang panganay habang sini-secure ang misis sa backseat ng sasakyan.

"ser! ala eh, bakit ho?"

"bantayan mo si AiAi. dadalhin ko si Ma'am mo sa ospital. tandaan mo lahat ng bilin ko sa 'yo, naiintindihan mo?" agad-agad tumango ang yaya ng anak nila.

"dito ka muna anak,ha? dadalhin ko lang si Mama mo sa ospital. behave at huwag pasaway kay yaya,ha? love you." aniya at kinintalan ito ng halik sa noo. binitbit nya ang mga nakahanda nang gamit ng asawa at mabilis na nag-drive papuntang ospital. pagkarating nila'y agad na dinala sa delivery room ang asawa at naiwan sya sa labas. alam nyang kayang-kaya ng asawa ang panganganak pero 'di pa rin maiwasang kabahan---lalo pa't kambal ang isisilang nito. nakakuha na sya ng pribadong silid kaya aantayin na lang nyang makapanganak ito.

nakaupo lang sya dun nang may nakita syang matangkad na babaeng umiiyak galing sa pediatric ward ng ospital. pinaningkit pa nya ang mga mata para maaninag ito ng mabuti. at tama nga sya---si Brianna nga.

agad nya itong tinawag. nakita sya nito at nag-atubiling lumapit nung una. kalauna'y umupo sa katabing upuan, namumula ang pisngi at mugto ang mga mata sa kakaiyak. nakasuot pa ito ng uniporme pang-opisina.

"m-may problema ba? sino ang na-ospital?" kinukutoban na sya kung sino pero umaasa syang hindi nga ito. pinahid nito ang mga luha at humihikbing nagsalita.

"a-ang anak ko. m-may Dengue sya. hindi ko alam kung ano ang gagawin. mababa ang platelet count nya...a-at kailangan nyang salinan ng dugo." humagulhol ito kaya marahan nya itong tinapik sa balikat. kahit sya, sobrang nahahabag sa nangyayari dito at sa anak nito.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon