CHAPTER TWENTY

4.2K 124 10
                                    

"I can't let you see what you mean
to me,
when my hands are tied
and my heart's not free

we're not meant to be....

It's the hardest thing I'll ever have
to lie
to show no emotion
when you start to cry....."

**************************

Brianna cried the whole night after her grandmother left her room. kinagalitan pa sya nang kanyang mentor dahil sa pamumugto ng kanyang mga mata. napakahirap na ngumiti at magmukhang masaya sa harap ng iba kung sa loob nya, parang pinipiga ang kanyang puso. she's hurting for Johann----at sa kasakiman ng kanyang abuela. nasindak sya sa banta nito kaya kahit na napakasakit nito sa kanya-gagawin nya ang gusto ng matanda. lalayuan na nya si Johann. alam nyang kamumuhian sya nito- pero yun lang ang tanging paraan para mailayo nya ito sa kapahamakan. kilala nya ang kanyang abuela, marami na itong mga taong naipatumba na sagabal sa mga gusto nitong makamit. hindi lingid sa kanya ang dumi at baho ng kanilang angkan. namuhay sila sa karangyaan at kasakiman. at huli na ng mapagtanto nyang nakaka-suka ang pamilyang meron sya. na ang yamang tinatamasa nila---bunga nang mga exploitations ng kanyang abuela sa karapatan at kayamanan ng iba. ilang may lupa ba ang inagawan nito? di na nga nya mabilang pa.

natatandaan nya pa noon, at di yun kailanman mabubura sa isipan nya- nung bata pa sya. may isang matanda na may-ari daw nang lupa na nagmakaawa sa mga tauhan ng lola nya. pero imbes na mahabag, pinabaril ito ng lola nya at kinuha ang titulo ng lupa. napatakip ang mga kamay nya sa magkabilang tenga para di nya marinig ang alingawngaw sa pag-putok ng baril. matapos nun, nagkaroon na sya ng takot sa bangis ng kanyang lola. kaya ginawa nya ang lahat para di ito magalit sa kanya. sinunod nya ang mga utos nito---pati na ang paglason nito sa mura nyang kaisipan. ang mga turo nitong kamuhian ang isang tao at pintasan base lang sa katayuan nito sa buhay. but all of that changed nang dumating sa buhay nya si Johann. mula nung mahalin nya ito. ito ang nagpabago sa pananaw nya sa buhay. katunayan, manalo o matalo, balak na nyang mag come-out sa publiko at ilantad sa lahat ang relasyon nila. gusto nyang malaman ng kanyang si Johann kung gaano nya ito kamahal.

pero ngayon...hindi nya iyun magagawa pa. at yun ang pinaka-masakit sa lahat....

"I'm sorry, Sweetie. i'm so sorry..." ang humahagulhol nyang turan habang pinagmamasdan ang larawan nito sa cellphone nya. parang sinasakal ang kanyang puso kapag naiisip ang mga mangyayari pagkatapos ng coronation day. napasandal sya pader ng banyo at napaupo sa sahig nito. she's crying so hard na di nya na naisip na ilang oras mula ngayon, rarampa na sya sa entablado. na ngayong araw na ito, maaaring matutupad na ang pangarap nyang maging reyna ng kagandahan sa buong bansa. pero sa estado nya ngayon at sa sakit na kanyang nararamdaman---tila wala nang amor sa kanya ang korona. ang gusto nya na lang ay puntahan si Johann, yakapin ito at kung posible- makipagtanan. lumayo. yung napakalayo lalo na mula sa mapagkunwari nyang pamilya. pero ano nga bang magagawa nya sa kalupitan ng kanyang abuela? wala. she loves Johann so much---but her hands are tied...and her heart is not free.

"mahal kita,Johann. kamuhian mo man ako pagkatapos nito---tatanggapin ko. mabuhay ka lang at maging ligtas. patawarin mo 'ko. patawad, Johann...."
********************

she then heard a loud knock on the bathroom door.

"Ria! are you done in there?" ang pasigawng tanong ng baklang mentor. "you must be dahil pupunta na tayo sa Philippine Arena mamaya! my gosh, woman! i know na umiiyak ka na naman for reasons that i don't know! at wala akong paki dyan sa mga hinanakit mo. get yourself together kung gusto mong manalo! gosh, tatanda ako ng limandaang taon sa 'yo! hmp!" napakagat-labing humihikbi sya habang pinapakinggan ang mga rants ng bakla nyang pageant mentor. napabuga sya nang malalim na hininga at pilit na tumayo. kamuntik pa syang mabuwal dahil nanlambot ang nanginginig nyang mga tuhod. itinukod nya ang kamay sa pader tsaka pinakalma ang sarili. hinubad nya ang roba at sumahod sa dutsa. sumabay sa agos ng tubig ang buhos ng kanyang mga luha. ayaw nyang saktan si Johann---

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon