CHAPTER TWENTY-TWO

3.9K 118 7
                                    

sa training ibinuhos ni Johann ang lahat ng kanyang oras. binawi nya ang mga panahong nasayang dahil sa mga nangyari. wala na syang ibang inisip kundi ang paghusayan ang kanyang apprenticeship at on-the-job training. malapit na ang graduation nya kaya kailangan nyang pag-igihan ang mga ginagawa. tutuparin nya ang pangako sa mga magulang na magtatapos sya---at magiging ganap na piloto.

wala na syang ibang inatupag kundi ang mag-aral. the pain is still there and it haunts her even when she's asleep. umabot pa nga sa puntong nagkaroon sya ng insomnia at kailangan nyang uminom ng sleeping pills, makatulog lang. inikot na nya ang buhay sa pangarap nya at pamilya. sa mga kaibigan.

kinundisyon na nya ang isip na unti-unti nang kalimutan ang mga masasakit na ganap ng kahapon---lalo ang babaeng nagdulot nun sa buhay nya. she chose to move on, to move forward. katunayan, ayaw na nyang mabanggit man lang ang pangalan ng babaeng yun at ang ganid nitong pamilya. they're not worth it. not even a bit.

"akalain nyo yun, ano? ang bilis ng panahon. patapos na ang training natin at next month---graduates na tayo!"

ang masaya pang wika ni Martin nang magpahinga sila sa buffet lounge ng Wingardium Air. nagtaka talaga sya nang mag-anunsyo ang President ng Airline na libre ang pagkain nila throughout the training. sa totoo lang, nagtaka talaga sya kung bakit ganun ang treatment sa kanya ng management. di nga maiwasang pag-usapan sya ng iba nyang kasamahan. sya kasi ang  mas may maraming flight hours kumpara sa iba.

katunayan, tatlong passenger aircraft na ang napalipad nya.

"alam mo, Johann---parang paborito ka ata ng management. lagi kang may lipad,eh." sabi pa ni Anton. nagkibit-balikat lang sya dito.

"ewan ko. at ayokong isipin ang ganyang mga bagay." sagot nya. sige lang sya sa pagkain at di na kumibo pa. wala namang katuturan ang mga haka-haka na ganyan.

"naku. ansaklap naman nito." ang napapailing na wika ni Benjamin habang nakatingin sa tablet nito.

"bakit? ano na namang nakita mo dyan sa social media?" tanong ni Martin. pumalatak si Benjamin na pinakita sa kanila ang tablet nito na nakabukas sa isang article.

"CONGRESSMAN VILLARUIZ---CAUGHT IN A NASTY INCEST AFFAIR: SEX SCANDAL WITH HIS OWN COUSIN WENT VIRAL ONLINE."

hindi sya makapaniwala sa nabasa. kung di sya nagkakamali, si Congressman ang ama ni Meredith. sinulyapan nya si Anton na tahimik lang at seryuso ang mukhang nakatingin sa article.

"hala ka. jusmio. sa lahat ba naman ng pwede nyang patulan, bakit sarili pa nyang pinsan?" wika pa ni Martin.

Johann finds people who's into Incest sick and out of their sanity. kung imoral na ituring ang lgbt, mas masahol pa dyan ang mga taong pumapatol at nakikipag-relasyon sa kanilang kadugo. kapatid, step-sister at pinsan. o kung ano pa yan. ang masahol pa---ginawa pang kabit. nakaka-rimarim.

"hindi ba sya kinilabutan na nakipag-siping sa kanyang pinsan? sabog ba itong si congressman o sadyak hayok lang?" ani Benjamin na panay scroll sa tablet nito. "maganda naman si mayora, ah. sexy. ba't naman nya nagawa to sa asawa nya?"

di na lang sya sumali sa huntahan ng dalawa. oo, dalawa na lang. dahil wala namang imik si Anton.

"naku! ito pa. grabe.." napalingon na naman sila kay Benjamin.

"alam mo Benj, bagay kang showbiz reporter 'pag di ka naging piloto. ang hilig mo sa ganyan,eh." aniya.

"nah. ito, tyak na mawiwindang kayo mga repapipz." muli nitong pinakita ang isa pang online news article.

"FAMOUS ACTOR/SINGER DALTON VILLARUIZ, DEAD AT AGE 27. SUSPECTED CAUSE OF DEATH---POISONING."

napasipol si Martin sa nabasa.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon