CHAPTER EIGHT

4.4K 138 6
                                    

namumula ang mga matang pumasok sa classroom si Johann. nanginginig ang kalamnan nya sa pigil na galit. di nya na napigilan ang pagpatak ng ilang butil ng luha mula sa mga mata nya. hindi lang sya nasasaktan para sa sarili, kundi para sa mga kapitbahay nya sa kanilang lugar. ansakit marinig na ganun pala talaga kababa ang tingin ng mga kagaya ni Brianna Elizalde sa kanila. sa mga mahihirap, sa mga hikahos, sa mga kakha-tukang kagaya nya. kung makapagbitiw ito ng mga salita---parang di sya tao na may damdamin din na marunong masaktan. kinuha nya ang dalang panyo at pinahid ang luha.

huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili. dumating na ang propesor at kasunod nito ang apat. seryuso at tahimik lang si Johann, diretso ang tingin sa whiteboard ng classroom. umupo sa likod nya ang tatlo sa apat at si Brianna naupo sa kalapit nyang upuan. but Johann didn't spared her even a glance.

"okay, class. i will give you a research paper that will be done in pairs, based on the first letter ng apelido nyo."

sabi pa ng instructor. nakikinig lang sya sa mga apelyidong magka-kapareho ang unang letra, nang---

"Elizalde and Evangelista. are these two present here today?" tanong pa nang guro. di naman makapaniwala si Johann sa narinig. kung minamalas ka nga naman---ang matapobreng Elizalde pa ang naka-pareha nya. andami namang kapareha ng unang letra ng kanyang apelido, bakit si Brianna pa.

"one of the pairs will choose a particular topic related to language. mag-usap kayo kung sino ang pupunta dito para kumuha ng linikit na papel sa loob nitong fish bowl. all the pairs, group yourselves." utos pa ng instructor. nagsitayuan ang mga kaklase nya at pumunta sa kani-kanilang pares. madaling nagkapalagayan ng loob at nag-usap ang mga ito. pero silang dalawa, walang isa sa kanila ang nag-attempt man lang na magsalita.

"what about you two? nakapag-usap na ba kayo?" ang nagtatakang tanong pa ng guro ng mapansing wala man lang isa sa kanila ang kumikilos.

"sorry po, Prof." sya na ang humingi ng paumanhin sa guro.

"kung may problema kayong dalawa, settle that immediately. kung hindi ay pareho kayong babagsak at lalabas yun sa TOR nyo. mag-usap na kayo para makapili kung sino ang bubunot ng topic. kilos na." walang nagawa si Johann kundi ang kausapin ang bruha na cellphone lang ang inatupag.

"ako na ang bubunot. halata namang wala kang pakialam." naka-igkas ang isang kilay na nilingon sya nito pero tumayo na sya at lumapit sa bowl. alam nyang nandidiri ito sa kanya at ayaw sya nitong kasama. pero mahalaga sa kanya ang grades, lalo pa't sa scholarship lang sya umaasa para makapag-aral. bumalik sya sa kinauupuan at himala-dahil kinausap sya nito nang mahinahon kahit nakataas ang isa nitong kilay.

"so what's the topic then?" tanong pa nito. binuksan nya ang papel at tiningnan. CASTILIAN HERITAGE, ayon pa sa nakasulat.

"Castilian Heritage. yan ang topic---a thing na gusto kong mapag-usapan nating dalawa. you may hate me as much as i hated you, pero mahalaga sa akin ang grades. i'll cooperate with you for grades sake."

diretsahan nyang sabi dito. one eyebrow still arched, Brianna crossed her arms on her chest at tiningnan sya sa mga mata nya with her resting bitch face.

"don't patronize yourself that much as if you're the only one giving importance to grades. i may be a bitch, Evangelista---but i ain't dumb. and yes, i'll cooperate. di lang naman ikaw ang babagsak kapag wala tayong naipasa." mataray pang wika nito.  "pero ngayon pa lang sasabihin ko na 'to sa 'yo--i'm one of the candidates for Binibining Pilipinas so that means one thing: magiging busy ako." ang mahaba pang sinabi nito. di makapaniwalang tiningnan nya rin ito.

"so anong pinupunto mo ngayon? that i'll work on this alone? fine. sabihin mo yan kay Professor." aniya na napailing na lang sa malas na sinapit nya. kung pwede lang makipagpalit ng partner, ginawa nya na. pero tyak naman kahit pumayag ang instructor, wala ring makikipag-palit sa kanya. sa umaapaw na bitchiness ng babeng 'to, walang gugustohing pumalit sa lugar nya.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon