CHAPTER TWENTY-NINE

4.3K 115 0
                                    



parang may kumuha ng remote and put the two of them pause. they just stared at each other's eyes and the people around them just became a plain black and white backdrop-dahil sa mga oras na yun, silang dalawa lang ang nakikita ng isa't-isa.

nakuyom ni Brianna ang kamao habang ramdam ang puso nyang nagwawala sa kanyang ribcage sa mga emosyong 'di nya mapangalanan. ang taong pitong taon nyang 'di na nakita, ang taong 'di man lang sya pinakinggan, pinag-paliwanag o ano pa. ang taong sana'y masasandalan nya nung nawala ang lahat sa kanya---ang nagtanim ng buhay sa kanyang sinapupunan matapos syang talikuran at iwanan. nanginit ang mga mata nya at 'di na pinigilan ang pagpatak ng luha mula doon.

"Mama...are you okay po ba? why are you crying po?" tiningnan nya ang anak na nakatingala sa kanya. daglian nyang pinahid ang luha at kinarga ito. kailangan nyang makalayo dito. parang sasabog na sya anumang oras. walang lingon na lumabas sya ng kainan papuntang parking lot. she needs to get away.
***********************


she then heard a soft knock behind the door.
.

"Mama..."

tawag sa kanya ng anak sa mahinang boses. tumayo sya at pinahid ang mga luha bago binuksan ang pinto. agad na yumakap sa kanya ang anak nang makita sya.
.

"nakatulog ka ba, mi amor?" tanong nya na sinisikap mapanatiling steady ang kanyang boses kahit gumagaralgal pa itong pakinggan. her daughter looked up with that almond-shaped, raven like eyes. mga matang nakuha nito sa isa pa nitong ina-na sya ring ama nito.

"Mama, bakit ka po umiiyak? ayaw nyo po ba kay Aya?" tanong nito.

"A-Aya, anak? sino?"

"si Aya Johann po. o si Dada!" mas lalong tumindi ang guilt na nararamdaman nya deep inside. hindi man aware ang bata, pero alam nyang nakakaramdam ito ng lukso ng dugo kay Johann. and she's being unfair to her daughter for hiding the truth about her ex-lover. alam nyang deserve nang paslit na makilala ang isa pang magulang nito. hinaplos nya ang buhok nito.

"I'm sorry,anak..." nagugulohang tumingin lang ito sa kanya.

"h-halika na. i'll bake your favorite cake. okay?" 
*******************



"ay,Ma'am! saan---"

"hurry up, Betty!" sigaw nya dito habang papalapit sa kanyang kotse. pinatunog nya ang beep alarm nito at agad binuksan ang pinto ng frontseat.

"Mama, why are we leaving po?" ang inosenteng tanong ng anak sa kanya habang kinakabit ang seatbelt nito.

"i'll explain later, mi amor. just bear with Mama, okay?"

nanginginig ang mga kamay nya ng makitang lumabas ng kainan si Johann at luminga sa paligid, halatang sila ang hinahanap. pati ang mga crew ng naturang tindahan, napakamot ulong hinahanap din sila. she turn the engine on and speed away. 'di na nya nilingon pa ang mga ito at sa daan na lang ang tingin.

"M-Ma'am, pa'no po yung orders natin?"

"forget it, Betty. ang importante'y makauwi tayo at 'di nya tayo masundan." binilisan nya pa ang pagmamaneho at panaka-nakang sumusulyap sa rearview mirror. humigpit ang hawak nya sa manibela at muli na namang bumalong ang kanyang mga luha. her heart ached upon seeing Johann after seven long years-mga taon na nangulila sya ng husto dito...


walang araw at gabi ng buhay nya na 'di sya umasang magkikita silang muli. na bibigyan sya nito ng pagkakataong magpaliwanag, na mapakinggan nito ang side nya. pinupuntahan nya ang tinitirhan nito noon-pero matagal na pala silang umalis doon at walang nakaka-alam sa mga kapitbahay nito kung nasaan na sila.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon