CHAPTER TWENTY-ONE

4.3K 126 19
                                    

TRIGGER WARNING:

THERE ARE SCENARIOS IN THIS CHAPTER THAT CAN BE UNCOMFORTABLE FOR SOME OF YOU TO READ OR WILL NOT FIT INTO YOUR BELIEFS AND VIEWS. I'M NOT IN ANYWAYS TOLERATING SH*TS LIKE THAT, BUT THOSE SCENES ARE NEEDED FOR THE STORY TO PROCEED. IF YOU ARE LOOKING FOR A PERFECT STORY WITH PERFECT CHARACTERS NA HINDI NAGKAKAMALI, THEN THIS ONE IS NOT FOR YOU. THIS IS NOT FOR MINORS, PEOPLE WITH TRAUMA AND RUBBISH MINDSET. THIS IS A MATURE STORY WITH EXPLICIT CONTENT. IF THIS IS NOT YOUR CUP OF TEA, THEN I'D ADVISE YOU TO LEAVE.

PROCEED TO READ WITH CAUTION. YOU HAVE BEEN WARNED.

UULITIN KO HO, YOU HAVE BEEN WARNED.
****************0O0****************

lumipas ang dalawang buwan mula nang pangyayaring yun. kumalat ang eskandalo online na agad namang naagapan ng mga organizers. the internet and social media was on fire-and they were asking who was that badass, good-looking fella with a towering height. the one that Brianna Elizalde slapped hard across it's face. pero dahil sa galing magtago ng sikreto at baho ng mga Elizalde, walang nakaalam sa identity ng taong iyun. bagay na pinagpapasalamat ng pamilya ni Johann.

dalawang buwan man ang lumipas, pero nanatiling sariwa ang sakit at hapdi ng sugat sa kanyang puso. walang araw, gabi na di nya pinagluluksa ang pagka-bigo. pati pag-aaral nya, naapektuhan pa.

kung hindi nga lang umiyak ng husto at nagmakaawa ang kanyang ina, wala na talaga syang ganang magpatuloy pa. parang nabubuhay na lang sya dahil tumitibok pa ang puso nya- dahil nagpapaypay pa ng hangin ang kanyang baga. she's just simply existing---not living. gumigising sya sa umaga, pumapasok sa training nya. ganun na lang sya lagi.

wala na rin syang balita tungkol sa babaeng dumurog sa pagkatao nya. nang hilahin sya nina Manny at Maricar palayo sa venue, dumiretso sya sa tindahan ni Aling Betchay, ang nanay ni Maricar. inawat sya ni Manny pero nakaubos pa rin sya ng dalawang case ng beer. mataas man ang alcohol tolerance nya, tinamaan pa rin sya ng kalasingan.

umiiyak na pinagbabasag nya ang mga bote at sinipa pa ang mesa. at ang kanyang cellphone na wallpaper ang dating kasintahan, walang kaabug-abog nyang itinapon sa kanal. nag-amok na sya at naghamon pa nang away kaya dinakip na sya ng mga tanod at kinulong sa baranggay. buti na lang, hindi sya pinatulan ng mga tambay sa kanila.

kung 'di lang sya kilala marahil ng mga ito, baka nasangkot na naman sya sa isang riot. ang paglalasing nyang iyun ay naulit pa. mas umiinom pa yata sya ng beer keysa tubig. hinanap nya si Janina para mapaglabasan ng init ng katawan pero di nya na magawa. maliban sa 'di na nagpapakita sa kanila ang babae, naalala nyang itinapon nya pala sa kanal ang kanyang cellphone.

pumapasok pa rin sya, pero parang runway na ang utak nya. lumalapag ang mga natutonan, lumilipad din naman kaagad. di gaya ng dati na parang sponge ang brain cells nya kung humihigop ng mga impormasyon. may mga pagkakataon ding bigla na lang tumutulo ang kanyang mga luha at sumisikip ang dibdib nya. nahihirapan din syang huminga.

kahit sa panaginip, parang sirang plaka na nagre-replay sa balintanaw nya ang masakit na eksenang yun. nagigising sya sa kalagitnaan ng gabi na basa ang mga mata lagi sa luha. ang kanyang ina ang mainit na bisig na yumayakap sa kanya sa tuwing nanghihina na sya at di na nya kaya. ang kanyang inosenteng kapatid ang pumapahid ng kanyang mga luha at nagpapasaya sa kanya.

ang kanyang tatay, sina Manny at Maricar---sila ang nagpapanatili ng katinuan nya. ang dumadamay sa sakit at kanyang kabiguan.

"alam mo ba kung bakit alak ang kasama ng mga taong bigo?" tanong pa ni Manny nang mag-inuman na naman sila kinagabihan.

"pakialam ko." she replied rudely to her childhood friend. "walang excuse kapag lasenggo. uminom ka na lang." 

aniya na inisang lagok ang laman ng beer. pinahid nya ang bibig gamit ang likod ng palad bago kumuha ng pulotan at kumain. nagbukas na naman sya ng isa pang bote at uminom.

WILD THOUGHTS (METROPOLIS HEIRS I: Johann Evangelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon