~ JINYOUNG ~"CUT!" sigaw ni Direk.
"Yes! Natapos din! Wooo! *^O^*"- Baro.
"I'll go ahead."
Nagtinginan silang apat sakin.
"Ya! San ka pupunta?"- Shin.
"Sa impyerno! Sama ka? *smirk*"
"Di sige! Ikaw na lang! Ingat ka, dude!"- Shin.
Tinawanan ko sila bago ako tuluyang umalis. Hindi na ako nagpaalam sa manager namin dahil alam kong alam naman nila kung saan ako pupunta.
Pumunta ako sa parking lot at hinanap si Andy. My motorbike~ Pinangalanan ko syang Andy. Dahil gusto ko lang -___-.
After 20 minutes..
Nakarating ako sa Sacred Place ko. Kapag nakita mo ang bukana ng lugar na ito ay hindi mo gugustuhing pumasok dahil sa mga nagtataasan na damo. Sa madaling salita para lang syang gubat. Pero ang hindi alam ng karamihan na, sa loob ng tila gubat na lugar na yon ay matatagpuan mo ang tila paraisong paligid.
Umupo ako sa ilalim ng puno.
Namiss ko ang pumunta dito.
Malaking puno at damuhan na puno ng iba't-ibang kulay ng bulaklak. Para syang bundok dahil mataas ang lugar na yon at kitang-kita ang syudad mula rito.
"Inaantok ako. Maaga pa naman, matutulog muna ako. -___-"
Humiga at pumikit na ako.
Zzzzzzzzzzzz....
"Ang gwapo talaga nya! :"))))"
-_____-??
Ha? Ano ba yung ingay na yun? Natutulog yung tao e. =____=
"Bakit naman dito sya natutulog? Baka mamaya may kumuha sa kanya dito.~ "
Tss. Istorbo naman tong taong to!
I slowly opened my eyes and..O___O!
"Waaaaahhhhhhhhhh!"
"Aaahhhhhhhh!" Sigaw din nung babae sa harapan ko.
Automatic na agad akong napaupo.
"WHO THE HELL ARE YOU?! BAKIT ANG LAPIT NG MUKHA MO SAKIN?!"
"Hep-hep-hep! Isa-isa lang! Mag-isa lang ako oh! Relaaaxxxx ~" yung baliw na babae.
"PAKIELAM KO! SINO KABA? HA?!"
"Ako? (._.)?" Tinuro pa nya ang sarili nya. Ngumiti sya at inabot ang kanang kamay. o(^^o)
"Helloooooo! I'm Happy! Nice to meet you! (*¯︶¯*)"
Hinawi ko ang kamay nya at tumayo.
"Wala akong pakielam kung sino ka! Umalis ka na dito, bawal ang katulad mo sa lugar na to."
"Tignan mo to ~ Sabi nya sino daw ako, tapos nung sinabi ko wala daw syang pakielam. Hayyysss ~ mga tao nga naman sa mundo ngayon ~ ╭(╯ε╰)╮ "
Sino ba ang baliw na babaeng to?!
"Alis na!"
Tumayo din ang babaeng yun.
"Ya-da! :P"
Japanese?
"Yup! Pero hindi ako japanese ~ Marunong lang talaga ako! (^3^)"