~ JINYOUNG ~
Ang bilis namang tumakbo ng Stupid na yon. =___=
Nasaan na ba yon?
Halos naikot ko na yata ang buong campus kahahanap ko sa babaeng yon.
Pasaway. =___=
Nang mapagod ako, pumunta muna ako sa Garden para magpahinga sandali. Pero bago pa ako makaupo may nakita na akong babaeng nakayuko sa isang mesa sa sulok.
Happy..
Tahimik akong lumapit sa kanya. Kita ko ang pagtaas baba ng balikat nya at mahinang pagsinghot.
Did i make her cry? Again?
"Hey.."
Natigilan sya pero hindi nya ako nilingon.
"Happy.."
Umupo ako sa tabi nya at marahang hinaplos ang buhok nya. Nakayuko lamang sya.
"Hey, why are you crying?" Halos pabulong ko na tanong pero nanatili syang nakayuko.
"Kapag hindi ka tumingin sakin bubuhatin kita paalis dito."
"G-go away.."
Natigilan ako. Umiiyak nga sya..
"No. Tell me, anong problema?"
Alam ko kung ano ang problema pero gusto kong marinig mismo sa labi nya. Gusto kong ilabas nya lahat ng itinatago nya..
"L-leave me alone."
Napabuntong hininga ako..
"Look at me happy.."
"Sinabi ng umalis ka na eh!"
Bigla syang nag-angat ng mukha at halos madurog ang puso ko ng makitang basa ang mga pisngi nya.
"No. Hindi ako aalis."
Tinignan nya ako ng may luha pa rin sa mga mata.
"B-bakit *sob* kaba nandito?! *Sob*"
"No. Dito lang ako."
Mukhang naiinis na sya sakin.
"Bakit ka ba nandito ha?! Doon ka nga sa Chloe mo!"
"Ano bang problema?"
"Wala ka namang pakialam! I-iwan mo na ako dito!"
Tinitigan ko lang sya habang umiiyak tapos tinignan nya din ako.
I can see the pain in her eyes.
Pain na alam kong ako ang may gawa..
"I hate you!"
Hinayaan ko syang magsalita.
"I hate you! I hate you! Bakit ba mahal kita?! Bakit mahal kita kahit alam kong hindi mo ako mahal?! Kahit na alam kong may mahal kang iba?!"
"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Mahirap ba? Pinahihirapan ba kita jin?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong marinig lahat ng sasabihin nya.
"Sabihin mo sakin lahat happy.. Sabihin mo sakin lahat ng nararamdaman mo.."
Matalim ang tingin na binigay nya sakin..
"Talaga! Peste!"
Why do i find her cute kahit na umiiyak sya? Namumula kasi ang mga pingi nya pati ang ilong.
She looks like a kid.
"Nahihirapan din ako jin.. Tinatanggap ko lahat ng masasakit na salita mo, Binabalewala ko.. Tinitiis ko kasi mahal kita.. Bawat salitang lumalabas sa bibig mo tuwing sinasabi mo na hindi mo ako mahal, bawat salita na iyon ay direktang tumatarak sa puso ko.. Iniintindi kita.. Naghihintay ako kahit alam kong imposible.. Pero jin, Hindi lahat ng pagkakataon kayang tiisin ng puso ko yung sakit.. Kailangan ko ding magpahinga.. Kasi sobra na.."