~ SANDEUL ~
"Magluluto ako!"
Nanlaki ang mga mata namin na tinignan si Happy. Nagkatinginan kaming lahat.
"NO!!!!!"
Inosenteng nilingon nya kami.
"Ehhh? Bakit? (".)? Di ba kayo nagugutom? Gutom na ako eh! ≧﹏≦"
"Ahh.. Ehh.. Umorder na sila Hyung! Ha-ha. Kaya relax ka lang dyan happy! Maglaro na lang tayo ng Snake and ladder!" - Baro.
"Sige na nga." At umupo na sya sa tabi ni Shin.
Sabay sabay naman kaming nakahinga ng maluwag.
"Muntik na yon ah!" - Shin.
"Ang alin babes?" - Happy.
"Ha? Wala! Haha."
Hindi pwede si Happy sa kusina! Last time kasi nagluto sya ng pancake naging kulay itim. =___= Nung isang araw naman nagluto ng itlog, sobrang alat naman! Tapos kahapon magbebake daw sya, sumabog yung Oven. >____<
"Sino palang umorder? Anong pagkain? ^____^" - Happy.
"Jollibee.." - Ako.
"Really? Yeh--"
"Si Jin nag-order." - Ako ulit.
"Ahhh... Okay. Hehe."
Nagtinginan naman kami nila Baro. Lagi syang ganyan, simula ng bumalik sya ulit dito hindi nya kinakausap si Jinyoung, hindi nya kinukulit na nakapagtataka naman para samin. Si Jinyoung din naman ay walang sinasabi pero mas tahimik sya kesa sa normal na pagkatahimik nya. Katulad ngayon, nandoon lang sya mag-isa sa Garden kaharap ang Laptop nya.
Nagtalo na naman ang mga to. =___=
"Ahh! Ang daya! Nakagat tuloy ako ng snake! >____<" - Shin.
"Hahaha! Oh yeah! Malapit na akooooo! ^____^"- JC.
"Tsk tsk. Kadayaan. =____=" - Baro.
"Sandeul hyung! Ayaw mong sumali?" - gongchan.
"Pass muna ako.. May binabasa akong script eh." Sagot ko sa kanila.
May project kasi ako ngayon. Movie. May kanya-kanya din naman kasi kaming solo activity and this is the first time na sasabak ako sa Acting. Binigyan na din naman ako ng tips ni Jinyoung at Baro pati na si Maknae. May experience na kasi sila.
Maya-maya dumating na yung inorder ni Jin.. Dito na kami sa sala kakain.. Napansin kong tumayo si Jin at umakyat sa kwarto nya pero hindi naman nya bitbit ang laptop nya, may kukunin siguro. Tinignan ko din si Happy na sinundan ng tingin si Jinyoung..
Alam ko na ang gagawin nyan. =__=
At hindi nga ako nagkamali. Kinuha nya yung pagkain ni Jin at nagmamadaling tumayo at pumunta sa garden para ilagay doon ang pagkain nito. Tapos pumunta ito sa kusina, kumuha ng Bottled water at nilagay sa tabi ng Softdrinks tapos nagmamadali syang bumalik sa pwesto nya.
Nakatingin kaming lahat sa kanya at nagpeace sign lang sya.
Ganyan lagi ang gawain nya kapag hindi nakatingin ang lalaki. Bigla syang maglalapag ng pagkain, tubig at bimpo sa mesa nito tapos tatakbo paalis.
Hindi naman namin pinagmamadaling magkwento si Happy eh.
"Matunaw nyan si kelsie."
Nilingon ako sa katabi ko na kumakain ng Jolly hotdog.
Nandito pala ang amazona na to. =____=
"Samahan mo ako mamaya."
Naiinis na nilingon ko sya.