'SANDEUL'
Tss. Bakit hindi ako pinapansin ng tomboy na to? Sya pa may ganang hindi mamansin? Sya nga yung hindi nagrereply sa text ko?! >_____<++++
"Uhm.. Magtitimpla lang ako ng Juice? Hehe." - Baro.
Bakit parang di pa sya sure sa sinabi nya? Weird.
"Hani, samahan mo ako." Sabay hila nya kay JC.
"Maknae, tulungan mo silang magprepare ng pagkain sa Kitchen." Utos ni Shinwoo hyung kay Gongchan.
"Yes hyung. ^___^" - Gongchan.
"Tita, Hali po kayo at ipapasyal ko kayo sa aming munting tahanan! ^^." - Shinwoo hyung.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng may marealize ako.
"Hoy! Anong binabal--"
"BYE! Maiwan muna namin kayo dyan! ^____^v" - JC.
O______O!!!
"Hyung! Goodluck! Hihi! (^o^).v." - Gongchan.
Mga walangya! Sinasabi ko na nga ba! >____<
Badtrip na umupo na lang ulit ako habang nakacrossed arms na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko habang blank na naman ang expression ng mukha.
"May sasabihin ka?"
Nabigla ako nang magsalita sya. Naiinis ako sa Blank expression nya! =___=
"Wala! Wala akong itatanong sayo! -___-+++"
"Tsk. Fine. Bakit ka nagagalit? Piggy. =___="
URGH! NAKAKAPIKON TALAGA ANG TOMBOY NA TO!
Nabigla sya ng tumayo ako at lumapit sa kanya.
"What? Akala ko wala kang sasabihin sakin? =___=?"
Huminga ako ng malalim at tinignan sya ng mabuti.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko? Bakit wala ka sa bahay mo? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! Iniisip ko na baka bigla na namang may hindi magandang pumasok na ideya dyan sa kokote mo! Sa tingin mo ba hindi ako mag-aalala sa tomboy na katulad mo?! Huh?! TSK!"
Habang hinihingal ako sa dami ng sinabi ko, ayun tulala lang sya na nakatingin sa akin.
"What did you say?"
"What?! May sinabi ba ako?! WALA AKONG SINABI!"
"Pft! Piggy!!"
O______O
"W-what? Bakit ka tumatawa dyan?!"
"Pft! Hahahahahahaa! S-shit! You should have seen your face! Pwahahahaha!!!!"
Natigilan ako dahil nakatitig lang ako sa mukha nya habang tumatawa sya. Bakit parang hindi naman ako naiinis na pinagtatawanan nya ako? -___-?? At bakit parang natutuwa pa ako na tumatawa sya?
Weird. Bakit ang gulo ko? =___=??
[A/N: Oo nga. Bakit ba ang gulo mo?]
Nagtatanong ka pa. Eh kasalanan mo to. +++(~~.)
[A/N: INOSENTE AKO! *O*]
Hinayaan ko na lang syang tumawa at umupo sa tabi nya.
Itong babaeng to talaga ay hindi ko maintindihan. Minsan walang expression, minsan galit at siga pero maganda kapag tumatawa.
"Bakit ka nakangiti dyan? Nababaliw ka na?"
Napakurap ako at tumingin sa kanya.
Nakasmile ako?