Eighteen:

41 2 0
                                    

~ HAPPY ~

"Amaru?"

"Hmm?"

"Kamusta na kayo ni San-san?"

Nakita kong natigilan sya sa pagsusulat. Nandito kasi kami sa Garden at nagrereview.. Nilingon nya ako ng may pagtataka sa mukha.

"Wala namang kailangan kamustahin samin, Kelsie."

"Akala ko ba boyfriend mo sya?"

Tinitigan nya akong mabuti.

"Alam mong hindi totoo yan. Isa lang mahal ko. Alam mo yan.."

Pakiramdam ko maiiyak ako. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Alam ko naman yun eh.. Pero ayoko kasing makita kang ganyan. Sinasarado mo kasi yung puso mo para sa ibang tao.."

Sasagot pa sana sya ng magsalita ulit ako.

"Hindi ko naman sinabing kalimutan mo si..

"H-heather eh.."

Parang maiiyak na talaga ako ng mabanggit ang pangalan ng lalaking pinaka-importante sakin. Nakita ko din ang pain na dumaan sa mga mata ni Amaru.

"Alam kong mahal mo sya at mahal ka nya.. Pero alam mo ba kung ano dahilan kung bakit hindi nya sinabi sayo ang tungkol sa kanya at tungkol sa nararamdaman nya para sayo?"

Tuluyan ng umiyak si Amu, ako ay nagpipigil lamang.

"Kasi alam nyang magiging ganyan ka, kaya nya hindi sinabi na mahal ka nya dahil alam nyang hindi mo na susubukan pang magmahal ng iba. Hindi mo na susubukan pang maghanap ng lalaking mas hihigit pa sa kanya."

Umiling sya..

"W-walang pinagkaiba Kelsie. Kahit hindi nya nasabi sakin, S-sya lang ang mamahalin ko.."

"B-bakit pa ako maghahanap ng iba? Sya lang ang gusto ko, Kelsie..."

Hindi na ako sumagot at niyakap na lang sya.. Pinigilan ko ang umiyak dahil ayokong sabayan sya sa nararamdaman nya..

FLASHBACK:

"Heatherrrr!"

Nagmamadali akong tumakbo para pumunta sa kwarto ng nag-iisa kong kapatid. Kinalampag ko ang kwarto nya..

Maya-maya ay bumukas iyon at nakasimagot na mukha nya ang nakita ko, na kamukhang-kamukha ko..

"Ano na naman ba yan happy? Kapag narinig ka na naman ni lolo,ikukulong ka non sa kwarto mo!"

Napangiwi ako

Pinagalitan pa ako. >___< 

Hinila ko na lang sya sa kwarto nya at umupo sa kama nya.

"Ano na naman bang gulo ang pinasok mo?"

Umupo sya sa harap ko. Nag-iwas ako ng tingin.

You.Are.My.Girl.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon