• JINYOUNG •
"Okay! Last shot na!"
At patuloy ang pagflash ng Camera.
"Thank you everyone! Good job!" sigaw ng photographer.
Nagpasalamat kami sa lahat ng Staff at dumiretso na ako sa Dressing room para magpalit ng damit at alisin ang make up.
"Hyung.."
→_→?
Si Gongchan.
"Alam mo ba kung ano ang nangyari kay Happy?"
Kumunot ang noo ko.
"Bakit? May nangyari ba ng hindi ko alam?"
Nakaramdam ako agad ng pag-aalala.
Dalawang linggo na ang lumipas simula nung magpunta kami sa bahay.
Kahit naweweirduhan ako sa kanya nung araw na yun ay umakto naman sya ng parang wala lang nung kaharap nya na sila Mommy, hanggang sa paghatid ko sa kanya pauwi ay masigla na ulit sya.
Kapag nagkakausap naman kami sa Tawag ay masigla naman sya. Sunod sunod kasi ngayon ang Schedule namin at busy na rin naman ito sa Thesis.
Bumuntong hininga si Gongchan at halata ang matinding pag-aalala sa mukha nya.
"Tumawag kasi sakin si Mommy kagabi at tinatanong ako kung may alam ba daw ako sa nangyari kay Happy kasi matamlay daw."
Hindi na ako sumagot at agad na nauna sa loob ng Dressing room. Naabutan ko ang Manager na kausap si Sandeul. Lumapit ako sa kanila.
"Hyung, cellphone ko."
"Jinyoung, magpalit ka mun--"
"I need to make a call."
Bumuntong hininga ito at tumalikod para kunin sa Bag ang Cellphone ko.
"Here. Wag kang magtatagal at mag-ingat ka sa paligid mo at baka may makarinig sayo.."
Tumango ako at lumabas na. Pumasok ako isang Studio na walang tao.
Dinial ko agad ang number ni Happy. Yes, may cellphone na sya. Bumili kami nung nakaraan at para saming dalawa lang.
Nagring agad iyon at maya-maya lang ay sinagot nya.
"My loves?"
"Tss. Sino pa ba? Ako lang naman may alam ng number mo. =___="
"Ay? Oo nga no? Sorry. Hihi!"
Napapangiti tuloy ako. Shit. Ang bading ko. -___-++
"Bakit ka nga pala napatawag? Akala ko may photoshoot kayo ngayon?"
"Hindi ako nagpunta."
"What?! Hala! Nababaliw ka na ba, my loves? Baka mapagalit-- Kyahhh!"
Nakadinig ako ng malakas na kalabog sa kabilang linya.
"Hey! Ano'ng nangyari? Okay ka lang ba?"
"Ang s-sakit. Huhuhu. Nadapa ako, my loves!"
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano e. Tss. Ang lampa talaga ng Stupid na to. (_ _"")
Pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti kapag naiimagine kong ang haba na naman ng nguso nya ngayon.
"My loves?"