~ HAPPY ~
Nabigla ako dahil bigla syang tumayo at iniharap ako sa kanya.. Itinaas nito ang isang kamay at nabigla ako ng punasan nito ang pisngi ko gamit ang daliri nya..
Shit. Umiiyak pa rin ako..
Tumitig ako sa mga mata nya.. He's feeling sorry.. Lalo ako naiyak ng makita ang mga matang yon..
May gusto akong malaman.. Gusto kong malaman kahit na malaki ang posibilidad na masasaktan na naman ako..
Huminga ako ng malalim at tahimik na tinitigan sya..
"Jinyoung.."
"Don't.."
Natigilan ako.. Alam nya ba ang itatanong ko kaya pinipigilan nya ako? Kasi alam nyang masasaktan na naman ako?
Pero dahil pasaway ako, itinuloy ko..
"G-gusto ko lang malaman.. Alam ko kailangan mo pa ng konting oras.. Pero sana sabihin mo ang totoo.."
Nagpatuloy ako kahit na tila pinipiga ang puso ko..
"M-mahal mo pa ba sya?"
"M-mahal mo pa ba si C-chloe?"
~ JINYOUNG ~
Ito na naman.. She's asking me about my feelings.. Nasasaktan ko na naman sya. :(
"Happy, plea--"
"Please jinyoung.. Pleasee.."
Kitang-kita ko yung sakit sa mukha nya.. Sakit na paulit-ulit kong pinadama sa kanya..
Please happy.. Wag mo akong tanungin.. Dahil kahit ako, hindi ko alam ang sagot.. I don't know.. I'm confused.. Ayaw kitang masaktan.. Itigil mo na please..
Hinawakan nya ang mukha ko habang tuloy ang pagtulo ng luha nya na hindi ko magawang pigilan dahil ako ang may kasalanan..
"Y-you know what.. Silence means yes.."
Tila nadudurog ang puso ko sa nakikita ko..
"P-please.. Please don't get hurt.."
Alam kong huli ng sabihin yon.. Huli na dahil nasasaktan ko na naman sya..
Napayuko sya pero hawak pa din ang mukha ko.. Ito na naman.. Pinaiyak ko na naman sya. :((
"H-happy..."
"O-okay lang ako.. Magiging okay lang ako.. K-kaunting pahinga lang, o-okay na ulit ako.. O-okay lang.."
Alam kong umiiyak sya.. Pero wala akong magawa kundi ang yakapin lang sya..
"I'm sorry.. I'm sorry.."
Niyakap nya din ako kahit na umiiyak..
"S-sana kayang mawala yung sakit sa yakap mo.."
Niyakap ko pa sya lalo.. Wala akong ibang masabi kundi sorry.. Sorry.. :( Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko..
"Sorry.. I'm sorry."
Naiinis ako.. Ito lang ba ang kaya kong sabihin? Ang magsorry.. Sabi ko iiwasan ko ang masaktan sya pero ito na naman ako..
"D-Don't be sorry.. H-hindi mo naman ginusto na sya pa rin eh.."
Kumalas sya sakin ng yakap at lumayo.
"Ayos lang ako.." Sabi nya.
"Naiintindihan ko." She smiled bitterly..
Damn. She's hurt.. Hinila ko ulit sya para yakapin.. Ramdam ko ang pag-iyak nya sa dibdib ko dahil niyakap nya rin ako..
"Sorry.. I'm sorry kung nasasaktan na naman kita.."