'JINYOUNG'
"She's leaving"
Natigil ako sa pagpasok sa kusina ng marinig ko ang boses ni Amaru.
Nakatingin sila sakin parehas at parang naghihintay na may sabihin ako.
"How is she?"
"She's not fine"
Tumango ako at dumiretso sa Ref para kumuha ng Tubig, hindi na ako muling nagsalita at iniwan na lang silang dalawa.
Wag mong pabayaan ang sarili mo, happy.
Bumalik ako sa kwarto at umupo sa kama.
She's leaving?
Nakaramdam ako ng takot, takot na hindi na muli syang makita at makausap.
I can't imagine my life without her.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala habang nakahiga sa kama, nahimasmasan na lang ako ng marinig kong nagriring ang cellphone ko.
Bumangon ako para sagutin ang tawag, hindi ko alam pero nabuhayan ako ng loob na baka sya ang tumatawag.
Unregistered number...
"H-hello?"
Ilang sandali na wala akong narinig na nagsalita.
"Is this Jinyoung?"
Nakaramdam ako ng pagkadismaya ng hindi boses ng taong inaasahan ko ang magsasalita sa kabilang linya.
"HAPPY"
"Kelsie.."
Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Ethan.
"E-ethan.."
"Kanina pa kita hinahanap, sabi ni Sebastian kagabi kapa daw hindi kumakain.."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling tumingin sa mga bituin sa langit..
"Are you thinking about him?"
Hindi ako sumagot at nanatiling nakamasid sa kalangitan. Narinig ko ang pagtawa nya ng mahina.
"Bakit pa nga ba ako nagtatanong, alam ko namang sya ang iniisip mo..."
I'm so sorry, nasasaktan na naman kita. :(
"What are you going to do? Your grandpa needs you...''
I know ethan, I Know...
"Young lady..."
Agad akong tumayo nang madinig ko ang boses ni Sebastian.. Dali-dali akong lumapit sa kanya.
"Kamusta si Lolo? Okay na ba sya? Gising na ba sya?"
Nakaramdam ako ng awa nang makita ko ang mukha nya, bakas sa mukha ni Sebastian ang pagod at puyat.
"Hindi pa din sya nagigising but young lady we really need to go home.."
Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi nya
HOME...
AMERICA..
Naramdaman ko ang paglapit ni Ethan sa tabi ko. Parehas silang nakatingin sakin ni Sebastian na naghihintay ng isasagot ko
Ang daming pumapasok sa isipan ko, huminga ako ng malalim at tumingin sa mga mata nila..
"I understand."
Parehas silang natigilan sa isinagot ko at nagkatinginan..
"Are you sure kelsie?"