~ HAPPY ~
Natigilan sya sa itinanong ko.. Sabihin mo sakin please..
"What do you mean?"
"Nagtatanong kapa? Pinapaasa mo lang yata ako eh! Nakakainis ka! Naiinis ako sayo!!!!"
Nakatingin lang sya sakin habang ako hindi na napipigilan ang bibig ko..
"Bakit ka ganyan? Bakit bigla kang bumabait sakin? Bakit ka nagiging sweet sakin? Bakit mo kami sinundan? Bakit galit ka? Bakit mo sinabi yun kanina? Nagseselos ka ba ha? Bakit ka ganyan? Bakit mo ako hinalikan?"
Tuloy-tuloy lang ako sa pagsasalita habang umiiyak.. Nahihirapan na kasi ako eh. :( Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman nya.. Bakit nya sinabing hintayin ko sya? May nararamdaman na ba sya sakin?
"Nakakainis ka naman eh! Alam ko namang mahal kita tapos ganyan ka sakin! Pafall ka! Pafall! Peste! Lalo lang akong umaasa sa mga ginagawa mo eh! Umaasa na baka nga mahal mo na ako! Pero letse lang eh! Alam ko naman! Alam ko naman na malabong mangyari yun eh.. Kasi ano.."
"Kasi ano?"
Natigilan ako.. Parang natutunaw ako sa mga titig nya.
"K-kasi alam ko namang imposible mong mahal--"
LUBDUB LUBDUB LUBDUB
Huminto yata ang mundo ko. Hindi ako makakilos. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko..
Nakalapat ang labi nya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin basta napapikit na lang ako at may kung ano sa tyan ko na hindi ko maintindihan.
Lahat ng inis ko sa kanya ay naglaho na!
Tumagal din ang halik na iyon.. Hindi ko alam ang gagawin ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Hindi ko sya matignan.. Shit. Nakakahiya. >\\\\\\\<
Ano ba ito?!
He cupped my face then hinarap ang mukha ko sa kanya..
>\\\\\\\\>
<\\\\\\\<
>\\\\\\\\\>
<\\\\\\\\<
Hindi ako makatingin sa kanya.
"Look at me, Happy."
Waaahhh! Bakit ang sexy ng boses nya?! >\\\\<
Nabigla na lang ako ng may malambot na dumampi sa labi ko kaya agad akong napatingin sa kanya. Dinampian nya ng magaang halik ang labi ko. >\\\\\<
"Wala akong sinabi na hindi kita kayang mahalin.."
Kitang kita ko ang emosyon sa mga mata nya.. Sinseridad..
"Bakit ko ito ginagawa? Hindi ko din alam.. Naguguluhan din ako sa sarili ko pero happy.."
Nakikinig lang ako sa kanya.
"Sa tuwing nakikita kita o naiisip kita, ang bilis lagi ng tibok ng puso ko.. Kahit na lagi kitang pinagtatabuyan, umaasa ako lagi na sana hindi mo ako layuan.. Gusto kita laging nakikita, nakikitang masaya.. Kapag kasama kita, palagi akong masaya.."
Gusto kong madinig lahat ng sasabihin nya.
"Doon naman sa kanina, Aminin ko man.. Naiinis ko lagi kapag nakikita kitang may kasamang iba. Naiinis din ako kapag wala sakin ang atensyon mo.. At naaasar talaga ako sa pesteng lalaking kasama mo kanina.. Hindi ko alam kung naiintindihan mo pa ang mga sinasabi ko.. Halo-halo na yung nararamdaman ko pero siguro nga... Matagal ko na itong nararamdaman pero hindi lang ako sigurado.."