' HAPPY '
"Young lady, Si Sebastian po ito."
Hindi ako sumagot at nanatiling nakadapa sa kama. Hinayaan ko silang kumatok ng kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Naiiyak ako. Miss na miss ko na si Jinyoung 😢😢😢
Kamusta kana?
Kumakain kaba sa tamang oras?
Galit ka ba sakin?
Nakakatulog ka ba ng maayos?
Alam mo na ba ang lahat?
Iniisip mo din ba ako?
Miss na miss na kita. 💔😢Ang dami kong gustong sabihin sayo. Gusto kong magpaliwanag, maiintindihan mo kaya ako?
Pagkatapos ng party ay hindi na ako nakalabas ng kwartong ito. Kinuha din nila ang Cellphone ko 😢 Dinadalhan lang nila ako ng pagkain araw-araw pero hindi ko naman nakakain lahat. :(
Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero nanatili akong nakayuko. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa gilid ko pero hindi ko pinansin, malamang ay si Sebastian lang yan at kukulitin akong kumain.
"ARAY!"
Naramdaman ko ang hapdi sa likod ko, may humampas sakin! T____T
Bumangon ako at naiinis na tumingin sa humampas sakin.
"Masakit hah! Bakit ka ba nanghaham--"
Hindi ko alam pero nang makita ko ang taong humampas sakin ay agad akong naluha.
"Amaru..."
Yes. Nandito sya sa harapan ko at sya ang nanghampas sakin. Agad ko syang niyakap at umiyak. Lahat ng sama ng loob ko ay ibinuhos ko sa iyak. Naramdaman ko ang pagyakap nya sakin at pagpat sa likod ko.
Matagal din kami sa ganoong posisyon pero hindi sya nagsalita. Hinayaan nya lang ako.. Maya-maya ay humiwalay ako ng yakap sa kanya. Malungkot ang mga matang nakatingin sya sakin.
"Kamusta ka?" Mahina nyang pagtatanong sakin.
Tumingin ako sa kanya at malungkot na ngumiti.
"Kamusta sya?"
Nakita ko lalo ang lungkot sa mga mata nya.
"Wag kang mag-alala. Mabuti naman sya, hindi sya pinababayaan nila Sandeul."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.
"Mabuti naman. N-nakapag-usap ba kayo?"
Marahan syang tumango.
"M-may sinabi ba sya?" Kabado kong pagtatanong sa kanya.
Bigla syang may kinuha sa loob ng Bag nya at inilabas ang isang papel. Kinakabahan na tumingin ako sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang papel sabay yakap nya sakin.
"Maiwan muna kita para basahin yan."
Pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas sya ng kwarto ko.
Muli kong tinignan ang maliit na papel sa palad ko, hindi ko pa man nababasa ay naiiyak na naman ako.
Ang hina-hina ko talaga pagdating kay Jinyoung 😭
Nanginginig ang mga kamay ko ng buklatin ko ang papel.
"I'll wait for you... Mahal na mahal kita. 💓💕"
Hindi ko napigilan ang pag-iyak.
Salamat jinyoung.. Salamat.. Mahal na mahal din kita 😢💕
Pinunasan ko ang pisngi ko at tumayo sabay labas ng kwarto, nakita ko ang dalawang bodyguard na nasa labas ng kwarto ko. Seryoso ang mukha ko na humarap sa kanila.