~ Jinyoung ~
Sa Jollibee kami napadpad ng babaeng to. Mapilit masyado, gusto daw nya ng Spaghetti. -___-" Ayoko nga dito dahil madaming tao. Baka may makakilala sakin. Nagcap at shades naman ako pero hindi naman sure na safe. -__-
"My loves.."
Tinignan ko sya.
"Kahit nakashades at cap ka na, pinagtitinginan ka pa rin nila. ~" sabi nya na parang mangha na mangha pa.
"Tss. Hindi ko kasalanan na ganito ako kagwapo. (~~,)"
Tumingala sya at tinitigan ako ng matagal sabay ngiti.
"Agree ako dyan! :)"
Hindi ko alam kung bakit pero sa mga oras na yun naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Shit. What's wrong with me?
Tinignan ko sya at nakatitig pa rin sya sakin pero ngayon ay nanlalaki naman ang mga mata nya.
"W-why?"
Shit. Ako nabulol?! Nababaliw na yata ako. -___-""
⊙﹏⊙
"Hala my loves! Namumula kaaaaa! ●0●"
Pakiramdam ko mas uminit ang mukha ko sa ginawa nya. Hawak nya ang mukha ko. Agad akong umatras.
"U-umorder kana. →_→"
"Are you really okay?" Napansin ko ang pag-aalala sa boses nya.
Dahan-dahan naman akong tumango.
"Halika."
Hinila naman nya ako sa di kalayuang mesa. Hinawakan nya ako sa braso at iniupo.
"Dito ka lang muna okay? Oorder lang ako. Saglit lang ako my loves." Seryoso ang mukha nya habang sinasabi yun.
Nakatitig lang ako sa kanya. Naglakad na sya pabalik sa counter pero lumingon sya ulit.
"Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo?"
Tinitigan ko lang sya. Ang seryoso ng mukha nya at halata yung concern sa boses nya.
"Bakit ba hindi ka sumasagot? ayos ka lang ba talaga?"
Mas tumindi yung concern sa mukha nya. Biglang parang naging blurred yung paligid ko maliban sa kanya. Sya lang ang nakikita ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Hanggang sa unti-unti akong ngumiti.
"Ayos lang ako. :)"
Bakas sa mukha nya ang pagkagulat at pagkalito.
"O-okay sige! Oorder lang ako. Wait lang ah!"
Hanggang sa tumalikod na ulit sya. Nakatingin lang ako sa kanya na may ngiti sa labi.
Patingin-tingin sya sa side ko, kapag nakikita nya akong nakatingin sa kanya, ngingiti sya pabalik at nangingiti din ako.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon. Nababaliw na rin yata ako gaya ng babaeng iyon. Napatawa ako ng mahina ng maisip iyon at tumingin ako ulit sa kanya. Nilalaro nya yung baby sa unahan nya. Buhat iyon ng mama nya. Natatawa ako sa ginagawa nya. Haha.