CHAPTER 1

618 11 0
                                    

CHAPTER 1

“MISS MARTIN, can you bring my things in my office?” Parang nag-aalinlangan nitong tanong sa kanya. Bahagya naman siyang tumango at nagsimula nang iligpit ang mga gamit nito. Sabay silang lumabas ng silid at naglakad patungo sa opisina nito.

Hindi niya alam na malayo-layo pala ang opisina ng propesor. Hindi naman nito sinabi sa kaniya.

“Sir, malayo pa po ba tayo?” Tanong ni Bianca sa butihing propesor. Talagang napapagod na siya. Maglalakad pa siya pauwi sa tenament kaya.

May pag-aalala naman sa mukha ni Sir Pietro na lumingon sa kaniya. “Bakit? Pagod ka na ba?” Tanong nito, “damn, I should've not ask you to bring my things with me.” Bulong nito na hindi niya naman narinig.

“P-po? Hindi po. Hindi ko lang po alam na may kalayuan din po pala ang opisina ninyo. ” Magalang na sagot ni Bianca kay Sir Pietro. Kahit malayo naman talaga at hindi may kalayuan lang. Kanina pa kaya sila naglalakad kahit mayroon namang pedicab na free gamitin sa loob ng campus.

Bigla itong humarap sa kaniya at kinuha ang mga dala niya.

Nagulat siya sa ginawa nito kaya nakipagpilitan pa siya. “S-Sir? Bakit niyo po kinukuha?” Aligagang tanong niya sa propesor.

Inayos nito ang mga gamit sa kamay nang magtagumpay itong kunin ang mga papel. “Thank you, Ms. Martin. I can handle this. You may now go back to your classroom.”  Anito. Akmang aalma pa sana siya sa propesor ngunit nagsimula na itong maglakad palayo.

Wala na siyang nagawa kung'di ang sundin ito at bumalik sa classroom nila.

“Oh, girl, nahatid mo na ‘yung mga gamit ni Sir?” Bungad ni Jasmine sa kaniya pagkarating sa classroom.

Parang pagod na pagod siyang naglakad patungo sa upuan niya. “Hindi.” Simpleng sagot niya sa dalaga na nagpakunot sa nuo nito.

“Bakit nandito ka na kung ganoon?”

Yumukyuk siya sa lamesa niya, ramdam niya ang pagod. “Hindi ko naman alam na gano’n pala kalayo ang opisina ni Sir Pietro. Hindi na niya ako pinaghatid at pinabalik nalang dito.”

Parang kinikilig namang nagsalita si Jasmine, “gwapo na, mabait pa!”

Piping sumang-ayon si Bianca. Totoo.

PAGKATAPOS ng buong araw nilang klase ay agad na umuwi si Bianca sa tenament upang  makapaghanda sa trabaho niya sa bar.

Simple lang naman ang buhay niya sa tenament. May maliit na espasyo sa bahay, mababait ngunit maiingay na kapitbahay at maaliwalas na kapaligiran.

Bawal ang maduming kapaligiran sa tenament. Mabait at talagang may kalinga kasi ang Kapitana nila roon.

Nagluto muna siya ng panghapunan bago naligo at nagtungo na sa bar na pinagtratrabahuhan niya.

Hindi pwedeng ma-late siya. Sayang din ang bawas at mga tip na ibinibigay sa kaniya ng mga customer.

Kalahating oras bago siya nakarating sa bar at agad na nagpalit ng damit pang-waitress sa maliit na locker room saka nagsimula na sa kaniyang trabaho.

Hindi naman bastusin ang suot niya. Fitted polo-shirt at taas ng tuhod ang suot na itim na skirt. Karaniwang mga suot ng mga waitress lalo na sa ganoong trabaho.

Maayos naman ang trabahong waitress sa bar para sa opinyon ni Bianca, ngunit maliban nalang kapag nagsimula na ang mga customer na mambastos.

‘Yun ang hinding-hindi niya maiwasan. Lalo na at alam naman niya sa sarili na may tinataglay  siyang gandang babae at pangangatawan.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now