CHAPTER 16

393 6 0
                                    

A/N: Izza prank! Hahaha.

CHAPTER 16

PUYAT NA PUYAT si Bianca kinabukasan. Paanong hindi gayong hindi siya pinatulog ng nangyari sa pagitan nila kagabi ng Propesor. Napamasahe siya sa ulo nang maalala ang nangyari.

Muntik na siyang ma-carried away ulit sa pang-aakit nito sa kaniya nang tumawag si ate Bella at hinahanap siya. Kaya kung ano man ang dapat sana mangyayari kagabi ay hindi nangyari..

Sandali, bakit parang nanghihinayang siya?

Hindi ah.

Sagot ng kaniyang isipan.

Nang pumasok siya sa maliit nilang kusina ay naroon ang mag-ina at may nakahanda ng pagkain sa hapag.

“Good morning, ate, baby Giro.” Bati niya sa ate at sa pamangkin bago naupo sa upuan. Tipid lang na ngumiti sa kaniya si ate Bella, hindi pa rin sila nakakapag-usap pagkatapos noong nakaraang gabi.

“Good moyning, tita. 'Di ba po may pasok ka?” Tanong ni Giro. Kahit papaano ay makikitaang bumabalik na ang lakas ng bata at sa mahigit isang buwang paglalagi sa hospital ay unti-unti ring naibabalik ang dati nitong katawan.

Tumango si Bianca, “opo naman, bakit mo natanong?”

“Kasi po hindi ka naka-unifoym. 'Di ba po kapag nag-ischool naka-unifoym?” Cute na cute na sabi ng pamangkin. Bulol pa rin ito sa R, buti nalang at kahit papaano hindi na ito bulol sa L. Ang suot niya kasi ay white turtle neck at blue jeans.

Napangiti siya, “ahh. Kasi walang uniform ang college sa University na pinapasukan ko. PE uniform lang ang required na suotin namin tapos 'yon namang mga parte ng iba't ibang organisasyon ay may t-shirt din sila na dapat suotin.” Pagpapaliwanag niya sa bata bago nagsandok ng pagkain.

“Ah gano'n po? Gusto ko na pong maging coyyege kasi walang unifoym. Ang-init po kasi ng unifoym namin eh.” Nakangusong sabi ni Giro.

Natawa naman silang dalawa ng ate niya. “H'wag kang magmadali, baby boy. Sulitin mo muna ang pagkabata mo dahil siguradong kapag naging college ka, mami-miss mo ang pagiging bata.”

Nangunit ang noo nito, “paano po kayo nakasisiguyo?”

Ngumiti siya rito at ginulo ang buhok ng pamangkin, “basta, malalaman mo rin ang sinasabi ko pagdating ng tamang panahon.”

“Eh kailan po ang tamang panahon? Matagal pa po ba?” Tanong ulit nito.

Sinaway naman na ito ni ate Bella. “Tama na muna 'yan, Giro. Pakainin mo ang Tita Bianca mo dahil male-late iyan dahil sa'yo. Ikaw naman, ubusin mo na rin 'yan para mainom mo na 'yung gamot mo. Pati 'yang milk na binili para sa'yo ni Tita, ubusin mo para hindi sayang.” Anito sa anak na si Giro.

“Kumain ka na, ate?” Tanong niya rito. Tumango naman ito sa kaniya saka itinulak palapit sa kaniya ang pina-pack nito kanina.

“Meryenda mo at tanghalian. Bilisan mo riyan dahil baka mahuli ka sa klase.” Sabi nito sa kaniya.

Parang nagningning ang kaniyang mga mata habang tinititigan ang lunch box. Ito ang unang pagkakataon na pinaghandaan siya ni ate Bella dahil kaagad siyang nanirahan dito sa Tenament dahil ayaw ng nito na sa bahay ng mga ito siya titira. Baka mapag-interes-an ng asawa nito kaya mas minabuti nitong paalisin siya roon.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now