CHAPTER 7
“BIANCA, THIS is Pietro. Your professor. You hear me?” Maamo ang boses nito ngunit hindi iyon nakapagpakalma sa kaniya.
“Hindi! Sino ka? H’wag! H’wag kang lalapit. H’wag, parang-awa mo na!” Umiiyak na siya at malakas na napahagulgol sa gilid ng sofa.
Hindi niya alam kung bakit siya natatakot. Sino ba itong nasa harapan niya? Bakit ito nandito?
At hindi na nga napigilan ang nagngangalang Pietro nang tuluyan itong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
Doon ay bahagya siyang nakaramdam na safe siya ngunit ang mga luha niya ay mabilis paring nagbabagsakan mula sa kaniyang mga mata at ang mga malalakas na iyak ay nagpatuloy rin.
“Shh, this is me, Pietro. Your professor. You're safe with me. Hush, hush.” Pagpapatahan nito sa kaniya.
Mahigpit na niyakap ni Bianca ang lalaki at sa balikat nito humagulgol. “Ang sama nila! Ang sama-sama nila!” Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi sa pagitan ng kaniyang mga iyak.
“Who? Bianca, sino?” Nagtatakang tanong nito ngunit malamig ang boses na gamit.
Bigla ay nakaramdam siya ng pag-asa na may makakaahon sa kaniya sa mga ala-alang iyon na hindi niya matandaan, na hindi niya alam kung totoo ba. Pero isa lang ang sigurado siya, isa iyong bangungot sa buhay niya.
“Sila! S-Sila, Professor. 'Yung mga lalaking… mga lalaking…” Hindi na niya kaya pang maibanggit ang mga pangyayari sa isipan niya. “Angsama nila!”
Naramdaman niya ang malaki nitong kamay sa likuran ng kaniyang buhok at hinahaplos-haplos iyon. “Shh, tahan na. Please, stop crying now.” Pag-aalo nito sa kaniya ngunit mas lalo siyang umiyak.
Sa unang pagkakataon ay mayroong taong nakayakap sa kaniya habang pinagdadaanan ang ganoong kasakit na bagay ng buhay niya. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang ligtas siya sa mga bisig nito, na hindi ito kagaya ng mga lalaki sa ala-ala niya.
PUNO NG pag-aalala ang puso ni Pietro kay Bianca habang naghihintay sa labas ng emergency room.
Pietro rush her to the hospital when she lost consciousness. He was walking back and front until the doctor came outside the room and made a signal that he's allowed to go inside.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto at nakita si Bianca na nakahiga sa hospital bed at nakapikit ang mga mata.
Hinaplos niya ang malambot at makinis na pisngi ng babae. “I really really really wanted to know what happened to you…” Muling naramdaman niya ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Gulong-gulo na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. “I’ve been suffering…”
Pietro doesn’t know what he's supposed to do. He doesn’t want her to be shock. That would cause a big impact to her.
Napahilamos siya sa mukha at tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha. This is so hard….
Kinuha niya ang cellphone at may tinawagan nang hindi na niya makaya ang sakit na paulit-ulit siyang pinapatay. Paulit-ulit na ipinaparamdam sa kaniya ang nakamamatay na sakit.
“Mommy…” Tawag niya sa kabilang linya.
“Anak? Are you good? Are you crying?” Nag-aalala ang boses ng kaniyang ina.
He couldn’t keep his sobs to himself and let it out. “Mommy… I don’t know what should I do… I can’t take being this far from her, Mommy… I can’t…” He told his mother what he feels.
This happens a lot of times since she left. He’s so emotional when it comes to her. Pamilya nalang niya ang natatakbuhan niya kapag may problema siya. That's how close they are.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...