CHAPTER 14
NANG TAWAGAN ni Bianca ang Propesor ay agad-agad itong nagsend ng pera sa atm niya na siyang wini-withdraw niya ngayon. Walang pagdadalawang isip siya nitong binigyan ng pera kahit na nga may kalakihan ang perang inutan niya.
Bumalik siya sa silid kung saan kalilipat lamang ang pamangkin niya. Succesful ang ginawang operasyon dito at kailangan lang ng pahinga upang tuluyang gumaling.
Anim na taong gulang na si Giro at nag-aaral sa grade 1. Ilang buwan din siguro itong hindi makapapasok dahil kailangan maggamutan.
"Kumain ka na." Inginuso ng kapatid ang pagkain na nasa table sa gilid. Nasa isa rin silang VIP room, ang Propesor ang may sala no'n. Kakilala raw nito ang may ari ng hospital. Siguro isa iyon sa dalawa sa tatlong kasama niya noong foundation night.
Hindi naman na siya tumanggi pa dahil umalis siya sa bahay ni Pietro nang hindi kumakain ng agahan. May hangover pa nga siya ngunit tila nawala iyon kanina nang mabalitaan ang nangyari sa kaniyang pamangkin.
"Saan ka nanguha ng pera?" Kapagkuwan ay tanong ng ate niya habang nilalantakan ni Bianca ang pagkain.
Naglumikot ang kaniyang mga mata, hindi alam kung sasabihin ba ang totoo o hindi. Kasi ang unang pagtatagpo nila ng Propesor ay hindi maganda. Sa huli ay pinili niyang magsabi ng totoo.
"Nangutang po ako kay Sir Pietro." Mababang boses na aniya. Nag-eexpect siya ng violent reaction dito ngunit natahimik naman ang kaniyang kapatid. "W-Wala naman po akong kilalang pwedeng mahingan ng tulong gayong malaking halaga ang kakailanganin natin."
Tumango ang ate Bella niya na estranghero para sa kaniya. Hindi ito galit?
"Pakisabi salamat. Tutulungan kitang unti-unting mabayaran ang inutang mo sa kaniya." Anito saka tumayo, "labas lang ako saglit. Tatawagan ko ang kuya Gab mo. Bantayan mo si Giro." Saka ito lumabas ng silid.
Doon si Bianca napangiti, mukhang okay na sa ate niya ang Propesor. Ipinagpatuloy ni Bianca ang pagkain hanggang sa siya'y matapos at iniligpit ang pinagkainan.
Nag-ring ang cellphone niya tanda na may tumatawag. Ang Propesor iyon. Sinagot niya ang tawag nito.
"Nailabas mo na ang pera?" Agad na tanong nito.
Tumango si Bianca na akala mo naman na kaharal niya ang kausap. "Oo, salamat ulit. H'wag kang mag-alala, babayaran ko 'yon paunti-unti." Aniya.
"Hindi ako nag-aalala na hindi mo iyon babayaran. I don't even want you to pay back to me." At ito nga ang kanina pa nila pinagtatalunan.
"Prof.! Magbabayad nga po ako saka nakakahiya kung hindi. Anglaking pera nito."
"Trust me, Bianca, that money is just a cent to me." May halong kayabangan ang boses nito.
Napairap si Bianca, alam niya naman 'yon. Ngunit, basta, gusto niyang makabayad dahil utang iyon, hindi hiningi. "Magbabayad ako." Matigas na sambit niya upang tumigil na ito sa pagpipilit na huwag siyang magbayad.
"Mm," parang nag-iisip ito sa kabilang linya. "Okay, fine. You gonna pay me back but i'm not gonna accept your money."
Umangat ang kilay niya, "paano kita mababayaran kung ganoon?"
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
BeletrieSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...