CHAPTER 27
“ANO BA ang problema mo sa'kin?” Tanong ni Bianca kay Pietro pagkatapos ng mahabang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa.
Tumitig ang mga mata ng Propesor sa kaniyang mga mata. “Wala,” anito.
Napatango-tango si Bianca at napalingon sa paligid. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at huminga ng malalim. Kailangan niyang kalmahin ang sarili dahil baka maiyak siya sa harapan nito. Ayaw niyang mangyari iyon.
“May gusto akong sabihin...” Pangbibitin niya, hindi makatingin sa pwesto ng lalaki.
Dahil baka sa oras na tingnan niya ito ay baka hindi niya kayaning sabihin ang mga bagay na nais niyang sabihin dito. Nanghihina siya kapag nakikita ang mukha nito, ang mga mata nitong nangungusap.
“Look at me, Bianca.” Humawak ito sa kaniyang braso na marahan niyang inalis sa pagkakahawak.
Umiling si Bianca habang ginagawa iyon saka kinuha ang bag niya. Lumagpas ang kaniyang tingin sa lalaki, “k-kung ano man ang may'ron tayong dalawa, gusto ko nang itigil 'yon. Ayaw na kitang makita, ayaw ko nang marinig ang boses mo. Tapusin na natin dito, salamat.” Aniya at mabilis na naglakad palabas ng classroom.
Naiwang tulala at tigalgal ang Propesor sa loob ng classroom. Hindi gumagalaw na tila ba na-paralyze ito habang nakatayo. Sinundan ng kaniyang mata ang pintuang pinaglabasan ni Bianca, hindi makapaniwala.
Mabilis na pinunasan ni Bianca ang mga luhang sunod-sunod na nagsibagsakan mula sa kaniyang mga mata. Kailangan niyang gawin ito para sa kaniyang sarili.
Ito ang napagdesiyonan niya kagabi. Ang tapusin ang anumang ugnayan nila ng Propesor para sa ikatatahimik ng isip, puso at kaluluwa niya. Hindi niya kayang mag-stay sa isang relasyong walang kasiguraduhan.
Dapat talaga alam na niya iyon una pa lamang pero mas nanaig ang kagustuhan ng puso niya dati at hinfi ang sinasabi ng kaniyang utak. Nauna ang kapusukan kaysa ang tamang pag-iisip kung ano ba ang dapat na desisyon.
May minamahal si Pietro at hindi siya. Iyon ang malinaw na malinaw na dapat tanggapin ng utak niya, ng sarili niya.
Huminga siya nang malalim. Buti nalang at walang estudyante sa hall way. Halos nakauwi na ang lahat mula department nila. Kung'di ay nakakahiya na nakikita siya ng mga ito na parang tangang umiiyak sa hall way.
Sa totoo lang hindi niya alam ang magiging set up nilang dalawa, ngunit mas mabuti nang nagawa niya ito kaysa masaktan sa katotohanang siya mismo ang nagtatago sa kaniyang sarili para tanggapin iyon.
Sa mga sumunod na araw ay hindi niya nakita ang Propesor. Ni isang tawag o text ay wala siyang natanggap mula rito. At nang araw na iyon na may subject sila rito ay hindi pumasok ang binaga kung'di isang bagong lalaking propesor.
“I am Professor Perkin Gomez a.k.a Sir Perk. I'll be your new professor in this subject so I hope we just can get along well just like your former professor.” Pagpapakilala nito sa harapan.
Walang bahid ng katandaan ang lalaki ngunit matured ang itsura nito. Parang mala-Sir Pietro lang din. Ngunit mas magaan ang aura nito kaysa sa Propesor na iyon.
“You, ms, with white scrunchie?” Turo ni Sir Perk banda sa pwesto niya.
Napalingon si Bianca sa kaniyang kaliwa't kanan pati sa likod ngunit wala namang naka-white scrunchie sa mga ito.
Napa-kurap-kurap si Bianca at naituro ang sariliz “a-ako po Sir?”
Tumango ang Propesor kaya naman ay tumayo siya.
“Ano po 'yon?”
Tila ba malalim siyang kinikilala ni Sir Perk sa uri ng tingin nito sa kaniya. “What's your name?”
“Bianca Martin, Sir.” Sagot niya.
“You looked familiar, I just don't know when did I see you but you're really familiar. Family gathering perhaps?”
Kimi lang na gumalaw ang kaniyang mga balikat, hindi alam ang isasagot. Umupo na rin siya kinalaunan at halos gusto nalang niyang matulog, boring kasi. Hindi pa naman ito nag-istart magturo, baka maya-maya pa pagkatapos makipag-kilala sa kaniyang mga kaklase.
Halos okay lang din sa mga kaklase niya ang bagong pumalit na Propesor. Gwapo rin naman daw kagaya ni Pietro.
Pakiramdam niya sa bawat araw na lumilipas na hindi niya nakikita o naririnig man lang ang boses ng Propesor ay hinahanap-hanap iyon ng kaniyang sistema na nasanay na sa presensya ng binata.
Pagkaraan ng sabado at linggo, lunes na naman. Mas nadadagdagan ang pangungulila niya sa lalaki at paminsan-minsa'y parang nais niyang tawagan ito upang humingi ng tawad.
Gaya ngayon na nasa garden siya at hawak ang cellphone kung saan number ng Propesor ang nasa screen.
“Ano ba, Bianca? H'wag mo i-message. Gusto mo mag-move on, 'hindi ba? So—”
“Miss Bianca, what are you doing here?” Boses iyon ni Sir Perk.
Agad siyang nag-angat ng tingin sa kaniyang gilid. Naroon ang Propesor at may dala-dalang... kape? Sa ilalim ng tirik na tirik na araw?
“Uh, wala po, Sir. Nagpapahangin lang.” Aniya saka bahagyang ngumiti.
Umupo si Sir Perk sa gilid ng bench. “Why? You have a problem?”
Agad na umiling si Bianca. Wala naman siyang balak ipagsabi kung ano ang laman ng utak niya 'no.
“Wala po, may iniisip lang. Personal matter.” Sinuot niya ang pursue na dala, nagbabalak na umalis. Hindi niya alam ngunit hindi siya kumportable sa hatid ng presensya nito.
“You're leaving? Why not spend more time with me here? The air is refreshing, y'know?” Nagtaas-baba pa ang kilay ng naturang Propesor.
Kaya naman wala siyang nagawa kung'di ang umupo at tanggalin sa pagkakasukbit ang kaniyang pursue.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tahimik lang silang dalawa habang nakatitig sa kawalan, tila ba meron doong kainte-interesante.
“May I know a little about Miss Bianca?” Kapagkuwan ay ani nito.
“Ano naman po ang gusto niyong malaman?” Nakangiting ilang na tanong ni Bianca.
“How was your highschool life before your college? Experiences? Life choices? Those things.”
“Uhm,” napatawa siya ng bahagya, walang alam na dapat sabihin dito. Paano siya magsasabi tungkol do'n kung— Bianca, hindi. “Ayos lang naman po, mas maayos siguro noon.” Yun nalang ang sinabi niya.
“That's all?”
“Wala naman po kasi akong pwedeng i-kwento sa inyo. Patay na ang nanay at tatay ko kaya ate ko nalang po ang kasama ko sa bahay.”
Marami pang naging katanungan ang Propesor na ang ilan ay kaniyang sinagot kahit papaano. Nagkapalagayan na rin sila ng loob kaya naman kahit kaunti ay naging magaan na ang pakiramdam niya rito.
Sa isang banda ay mayroong dalawang nanilisik na nakatingin sa isang estudyante at isang propesor na nakaupo sa bench ng garder at nag-uusap. Kung pwede lang makapatay ang titig ay kanina pa siguro ang mga ito nakalibing lalong-lalo na ang Propesor.
Nagtatagis ang bagang na tinawagan ang head upang tanggalin si Mr. Gomez sa Accountancy Department at ilagay sa ibang section. The head immediately followed what he said. Let him try to disobey Pietro and he'll die.
“I let you get away from me because I want to give you space. But seeing men trying their luck on you makes my blood boil. No. One. Can. Take. You. Away. From. Me.” Galit na anito habang titig na titig pa rin sa dalawa hanggang sa bwiset na bwiset siya umalis sa lugar dahil may next class pa siya.
PRETTY IN DARK|PID
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...